Chapter 1
Maagang dumating si Adriana sa Robinson’s Galleria Ortigas. Usapan nila ng kaibigan niyang si Cindy na doon sila magkita at mananghalian muna sa Shakey’s bago manood ng sine. Lingo noon kaya wala silang klase. Tapos na rin siyang nagsimba kasama ang pamilya niya. As usual, puno na naman ang mall ng mga shoppers at movie goers. Ito ang flagship mall ng Robinson’s chain of malls na famous landmark sa intersection ng Ortigas Avenue at Epifanio Delos Santos Avenue or popularly known as EDSA. Limang palapag ang mall at nandito lahat ang mga kilalang local at international shops.
Pumasok na siya sa Shakey’s sa level one, naghanap ng bakanteng lamesa at umupo. Lumapit ang isang waitress at iniabot ang menu pero hindi na niya binuksan. Sinabi agad ang order niya, two combo meals of chicken, fries, and vegie salad. Inilista ng waitress at umalis. Maraming tao kaya siguradong matagalan din ang order niya. Wala pa si Cindy kaya inilabas niya ang sinimulang libro na Rage of Angels by Sidney Sheldon at nagbasa habang naghihintay. Nasa grade six siya noon nang maging hobby niya ang pagbabasa. Ang kauna-unahang librong nabasa niya ay ang Partners in Crime by Agatha Christie – about a crime fighting-duo, Tommy and Tuppence Berestford who solved mysteries and searched for enemy spies in 1950’s Britain.
Twenty minutes na ang lumipas ay wala pa si Cindy. Si Cindy ang una niyang nakilala nang mag-enrol siya sa De La Salle University two years ago. Parehong kursong Bachelor of Science in Accountancy ang kinuha nila kaya magkaklase sila sa lahat ng subjects. Mula noon ay close friends sila.
‘Sorry fren, late akong nagising. Nag-order ka na?’ Hinihingal ang dumating na Cindy at umupo sa kabilang silya.
‘Well, hindi na ako nagtaka kaya eto, nagdala ako ng pagkakaabalahan habang naghihintay.’
‘Wow, timing ang dating ko.’
Inilapag ng waitress ang order nila at sinimulan na nilang kumain.
‘’Wag mo nang bilisang kumain, nagsimula na ang first show kaya sa second tayo.’
‘Ok, as you wish.’ Nakangiting sabi ni Cindy. Alam niya, pissed off na naman ang kaibigan niya dahil late siya. Kung bakit kasi laging punctual ang kaibigan niya. Masyadong istrikto sa oras.
Kalagitnaan silang kumakain ng may lumapit sa lamesa nila, dumampot ng pagkain sa plato ni Cindy at mabilis na umalis. Pero mas mabilis ang pagkilos ni Adriana. Hinabol niya ang lalaki at sinampal.
‘Ang bastos mo ah!’
‘Anong paki-alam. . .’ Napa-nganga ang lalaki ng titigan nito ang mukha ng babaeng nanampal. Siniko nito ang kasama niyang kaibigan.
‘Alex, tingnan mo nga siya. May naligaw yatang anghel dito sa lupa.’
Tumingin naman si Alex at napasipol.
‘Tol, biglang lumiwanag ang mall.’ Bumaling si Alex kay Adriana at buong tamis niyang nginitian ito.
‘Ako si Alex’ Ini-abot niya ang kanyang kanang kamay pero hinawi ni Cindy na sumunod agad kay Adriana.
‘At ito naman ang kuya kong si Troy. Kuya, si Adriana, kaibigan ko.’
Nakatitig pa rin si Troy kay Adriana. Nang tumingin si Adriana sa mga mata ni Troy, may kakaibang nangyari. Biglang sumiksik sa utak ang nabasa niyang, ‘time stood still, and planet earth stopped in its orbit’.
‘Ehhem!’ Nasira ni Cindy ang electrifying moment na yon.
‘Hindi ba kayo magkamayan? Na-introduce ko na kayo, oy.’
‘Or something like saying hi or hello.’ Dagdag naman ni Alex.
Noon lang natauhan si Troy at iniabot ang kamay.
‘My pleasure to meet you.’
Nakipagkamay naman si Adriana. At nang maglapat ang mga kamay nila, naramdaman niya ang kakaibang init na dumaloy sa mga daliri nya at mabilis na kumalat sa buo niyang katawan. Bigla tuloy niyang binitawan ang kamay ni Troy. Mabilis siyang bumalik sa lamesa at itinuloy ang pagkain. Ayaw niyang makita nila ang pagmumula ng mukha niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya.
‘Guapo ang kuya ko ‘no?’ Tanong ni Cindy nang umupo rin at itnuloy ang pagkain.
‘Bastos naman.’
‘Hmmmm. . . . wag ka ngang magkunwari fren, halata naman na crush mo agad si kuya. And vice versa. Nakita ko sa mga mata ninyo.’ Nakangiting sabi ni Cindy.
‘Anong crush, nabigla lang ako, at nahiya sa pagsampal ko sa kaniya.’
‘Kung hindi crush, baka naman love at first glimpse. Not bad.’
‘Tumahimik ka nga, hindi nga ako napansin ng dumaan sila eh. Ibig sabihin, I didn’t attract their attention.’
‘Paano ka nila mapansin e subsob and ulo mo sa pagkain?’
‘Grabe ka naman. Pinamumukha mong para akong baboy kumain.’
Natawa na lang si Cindy.
‘Lagi kaming nag-lulukohan ni kuya. Dalawang taon ang pagitan namin. Kumukuha siya ng Civil Engineering sa Ateneo at the same time, kumukuha din ng Diploma on Accountancy online.’
‘Bakit magka-iba kayo ng paaralan?’
‘Doon din kasi nagtapos si Dad, at doon din nag-enrol ang kaibigan niyang si Alex. Ako naman, ung taong iniiwasan ko ay doon nag-enrol.’
‘Uy, guapo ba siya?’
‘Pangit ‘kamo, inagaw niya ang crush ko. Ang bruha!’
‘Sa ganda mong yan, naagawan ka?’
Maganda si Cindy, five-seven ang height niya, fair skinned, chic ang dating dahil laging updated sa mga bagong styles ng damit at gupit.
‘Anong magawa ko e ayaw sa maganda.’
‘Baka naman isinabog mo ang iyong katarayan!’
‘’Di ah, I was like a sheep where he’s concerned pero ganon talaga, may mga tao na ayaw sa maganda. On the other hand, I have Jordan now na mahal na mahal ko. Anyway, ibahin mo si kuya.’
‘Yeah, sigurado ako, kabilaan ang girlfriend niyang magaganda.’
‘Ehem. . . , wala pang girlfriend si kuya kung yan ang gusto mong malaman. Totoo ang sinabi mo na maraming humahabol sa kanya pero wala pa siyang sinagot. Meron lang siyang nililigawan para lang magkaroon ng girlfriend at tumigil ang mga daring ladies pero hindi naman niya sineseryoso. Paano siya manligaw e subsob sa libro. Nagtaka nga ako at lumabas ngayon. Inaya ko kagabi na manood ng sine ngayon, ang sabi niya, busy.’
Natuwa ang puso ni Adriana sa sinabi ni Cindy. Yon naman talaga ang gusto niyang malaman. Nahiya lang na deretsong itanong.
‘Bilisan na nating kumain at baka wala tayong maupuan.’
Pag-iwas ni Adriana. Ramdam pa rin niya ang init ng kamay ni Troy. At tama ang kaibigan niya. Ang guapo ni Troy! Kamukha ni Tom Cruise, matangkad at matipuno ang katawan. Neat and clean, pati buhok ay mukhang alaga ng shampoo at barber shop. Nangingiti ang utak niya. At sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng kilig sa puso.
Lingid kay Adriana ay may dalawang paris na mga mata ang nakatitig sa kanya.
‘Ang ganda niya!’ Nasambit ni Troy, at hindi alam ni Alex kung sa kanya ito sinasabi o sa sarili niya.
‘”Mala-Diyosang kagandahan – makinis na balat, matangos na ilong, mga mata na parang laging nakangiti, mga labi na kahawig ng mga labi ni Angelina Jones, at mahabang buhok. Balingkinitan ang katawan at matangkad”. Akmang-akma sa dream girl mo ‘tol. Ilang beses mo itong nasabi sa akin, na magka-girlfriend ka lang pag may ganito kaganda ka makita. All the while, bestfriend pala ng baby sister mo, na aking crush pero taken na. Kamalas namang buhay ito o.’
‘Siya na nga ‘tol. Ang ganda talaga niya. She has a touch of innocence and sophistication.’
‘Casualy dressed in slacks and a loose topper but looking elegant.’
‘Gagawin ko ang lahat para mapa-ibig siya.’
‘Akyat na tayo at baka tutulo ang laway mo sa pagmamasid.’
Umakyat na nga ang dalawa sa movieworld at kumuha si Troy ng apat na Ticket.
‘Ako na ang magbayad sa kinain natin fren, penalty sa pagdating ng late.’ Ani Cindy.
‘Ok, ako na sa ticket. Tena para makahanap ng magandang pwesto.’
Nasa ticket counter si Alex nang pumasok ang dalawa sa movieworld sa Level 4. Iniabot nito ang dalawang ticket at sinabing may nakareserve nang upuan. Sunud-sunuran na lang si Adriana sa dalawa. Pero nang uupo siya, muntik siyang umalis nang makitang si Troy ang katabi niya sa kanan, si Cindy sa kaliwa niya at si Alex sa dulo. Paano pa siya mag-enjoy sa panonood e katabi niya ang taong gumulo sa tahimik niyang isip at damdamin?
‘May problema ba?’ Ani Troy.
Wala na siyang magawa kundi umupo na rin.
‘Wala, salamat sa ticket at sa pagreserve ng upuan.’
‘You’re welcome. Gusto rin pala ninyo si Tom Cruise.’
‘Ay kuya, crush ni Adriana si Tom Cruise. Array!’ Napasigaw si Cindy nang apakan ni Adriana ang paa niya.
‘Crush din ni Troy si Angelina Jones.’ Sumabad din sa usapan si Alex. ‘At sa tingin ko, Cindy, katabi natin sina Tom Cruise at Angelina Jones ngayon.’
‘Oo nga, ba’t hindi ko nakita noon?’
‘Tumahimik nga kayo, kung gusto ninyong magdaldalan, lumabas kayo.’ Pagpapatigil ni Adriana sa dalawa.
‘Kaya nga, manood ba kayo o magkuwentuhan.’ Dagdag rin ni Troy.
‘Ay, strikto sina Tom at Angel.’ Si Alex ulit.
‘Haha. . Tom at Angel, bagay!’ Patawang sabi ni Cindy.
Hindi na kinagat nina Troy at Adriana ang biruan ng dalawa pero mula noon, kung minsan ay tinatawag silang Tom at Angel. Surprizingly, nakalimutan ni Adriana ang discomfort sa pagiging katabi si Troy at nag-enjoy sa panonood. Bukod kasi sa pagiging paborito niyang actor si Tom Cruise, napanood niya ang trailer ng Mission Impossible at nagustuhan niya. The plot follows Ethan Hunt [Tom Cruise] and his mission to uncover the mole who has framed him for the murders of his entire Impossible Mission Force [IMF] team.
Nang gabing yon, hindi makatulog si Adriana. Laman ng utak niya si Troy. Hay, ang guapo talaga niya. Manligaw kaya siya sa akin? Tanong niya kay Tootsie, ang malaking teddy bear na may habang one hundred centimeters mula ulo hanggang paa, with a big fat squidgy tummy. Light brown ang kulay, may red ribbon sa leeg at ang kanang kamay ay nakahawak ng red heart. Mula nang matanggap niya si Tootsie ay lagi niyang katabi sa pagtulog. Regalo ito ng ninong Franco at ninang Rosemarie niya noong matapos siya sa grade one. Siya kasi ang first honor.
Kinabukasan, pagkatapos ng klase nila, inaya ni Cindy na magmeryenda sa Goldilocks na malapit sa De La Salle. Pag-upo nila ay dumating sina Troy at Alex.
‘Hey, may mga multo.’ Sabi ni Cindy.
‘Pwedeng maki-upo? Wala nang bakanteng lamesa.’ Deretsong tanong ni Troy kay Adriana.
Iginala ni Adriana ang paningin at nakita niya, punum-puno nga.
‘Sure.’
Sina Cindy at Alex ang nag-dominate sa kuwentuhan. Paminsan-minsan lang nagsasalita sina Troy at Adriana. Ilang beses nahuli ni Adriana na nakatitig sa kanya si Troy. At yumuyuko siya dahil nagba-blush na naman siya. Sa panig naman ni Troy, ngayon lang siya tameme. Hindi na niya alam mag-kuwento o makipagbiruan kahit sa makulit niyang kapatid. Nang matapos silang magmeryenda, tinanong niya si Adriana kung pwede niyang yayaing mamasyal sa Sabado.
‘Nagjo-jogging ako malapit sa Cultural Center of the Philippines tuwing umaga ng Sabado.’ Sagot ni Adriana.
Ok na yon kay Troy. Ibig sabihin, pwede silang magkita.
‘Sineset up mo ba kami ng kuya mo?’ Paniningil ni Adriana sa kaibigan ng umalis sina Troy.
‘Hindi naman kailangan, di ba.’
Pero mula noon, lagi na silang magkakasama. Hindi nagtagal ay naging boyfriend ni Adriana si Troy. Tuwang tuwa naman si Cindy ng isang araw ay sabihin ni Adriana na sinagot na niya si Troy.
‘Ay salamat, tagumpay!’
‘Baliw ka talaga.’
‘Kayo ang bagay ‘no? Hindi yung asungot na aali-aligid sayo.’
Si Zoren ang tinutukoy ni Cindy na masugid niyang manliligaw.
‘Mabait din naman si Zoren, guwapo din, matalino, at mula sa mayamang pamilya, sadya lang na kahit kalahating bulbol ko ay hindi niya mapatindig.’ Natatawa niyang sagot.
‘Pwede na ba kitang tawaging hipag?’ Pabirong tanong ni Cindy.
‘Pag hindi ka tumigil, babatukan kita.’ Ganon sila nagbibiruan na magkaibigan. Si Cindy lang ang close friend niya. Kaya wala silang sikreto sa isa’t isa.
Masaya ang relasyon nila ni Troy at tinigilan na rin ni Zoren ang pangungulit. Tuwing sabado sila nagkikita. Sabay silang mag-jogging pagkatapos ay mananghalian at mamamasyal. At tuwing gabi ay nag-uusap sila sa telepono. Kung minsan din ay kasama nila sina Cindy at Alex. Kung minsan din ay kasama nila ang boyfriend ni Cindy na si Jordan pero may pagka-arogante si Jordan na ayaw ng tatlo kaya paminsan-minsan lang nila ito kasama sa mga lakad nila. Nasabi ito ni Adriana pero mahal na mahal ni Cindy ang boyfriend kaya wala silang magawa.
‘Maybe that’s what attracted me to him hehe.’ Pagdedepensa ni Cindy sa boyfriend.
Mula noon, hinayaan na sila ni Adriana.
‘Maganda siya ano, Loveydove?’
‘Sino?’
‘Ung tinititigan mo.’
‘Oh! Loveydoll, alam mo, mula nang makita kita ay wala na akong nakitang mas maganda pa sa iyo. Na-love at first sight ako sa iyo, alam mo yan. Nakatitig ako sa kanya pero wala doon ang utak ko.’
Nasa sasakyan sila ni Troy, galing sila sa Tagaytay Ridge kung saan nila napagpasyahan na puntahan. Inihinto lang sandali ni Troy at bumili ng malamig na tubig.
‘Nagdesisyon na akong hindi ituloy ang Civil Engineer at papasok sa Philippine Merchant Marine Academy. Mag-reretire na daw si Dad, at gusto niyang galing sa pamilya namin ang mamahala. So, I must have a degree in Shipping Management. Yon naman kasi talaga ang gusto niyang kunin ko noon pero ayokong dinidiktahan kaya kumuha ako ng ibang kurso. But now, I see Dad’s point of view.’
‘And I thought son’s do everything their dads say.’
‘I did until I finished high school when I wanted to show dad that I have my own choices. But I realized now, there are things that must be sacrificed. Si mommy kasi ay walang partisipasyon sa business namin. Sa mga civic organizations siya aktibo.’
‘Kung yan ang nararapat mong gawin, I will respect your decision. I will miss you though.’ Hindi maitago ni Adriana ang lungkot sa boses niya.
‘Salamat Lovey. Hindi mo alam kung paano ko nilalabanan ang desisyong ito pero walang ibang maasahan. Nurse ang natapos ni ate pero ayaw ng asawa niya na magtrabaho kaya ayun, baby sitter ng anak nila. Si Cindy lang ang pwede kong asahan.’
‘Shhh. .., don’t worry, nasa Pilipinas ka pa naman.’ Pinalakas na ni Adriana ang loob niya pero alam niya, labis ang kalungkutang maranasan niya.
Kinabig siya ni Troy at mahigpit na niyakap. Iniangat ni Adriana ang kanyang mukha at hinalikan niya ito sa bibig. Hindi nakuntento si Troy sa pagdaplis lang ng mga labi nila. Hinalikan rin niya si Adriana, butterfly kisses sa mga labi nito hanggang unti-unti ipinasok niya ang kanyang dila and they shared a kiss that transcend them to a moment of pure joy and happiness.
Bigla silang kumalas sa pagkayakap. Nabigla sa emosyon na dulot ng kanilang halik. Kay Adriana, yon ang kauna-unahang pagkakataon na mahalikan ng ganon ka intense. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam na parang may nabago sa kanya. Punum-puno ang puso niya ng saya, pakiramdam niya ay nasa langit siya.
‘Oh God, Adriana. I love you dearly.’ Troy looked at her and saw her eyes glimming with happiness.
‘Ganon pala kasarap ang halik.’ Adriana said teasingly but with pure innocence.
‘My darling babe.’ Troy pulled her again in his embrace and lovingly run his hand over her back. Pagkaraan ng ilang sandali, kumalas si Adriana at bumalik sa upuan niya.
‘That’s how it will always be for us, and more.’ Troy said.
They cannot explain but the kiss they just shared have bound them eternally as soulmates.
Mula noon, hindi nila sinayang ang panahon. Tuwing may pagkakataon ay nagkikita sila. Ang saya ng bawat araw. And they started exploring each other’s body by kissing and touching pero hanggang doon lang. Takot si Adriana at nirerespeto rin ni Troy kaya hindi sila lumalampas doon. Hanggang dumating ang araw na magreport na si Troy sa PMMA.
Sumama si Adriana na naghatid kay Troy sa PMMA. Ang PMMA o Philippine Merchant Marine Academy ay nailipat sa sixty-hectare land na dating American Radar Base. It’s the pioneer institution in maritime education in the country. Pagdating nila doon ay may nag-escort at ipinasyal sila sa buong compound. Nang oras na para magpaalam sila, inakay ng mama ni Troy si Cindy at nauna sila sa sasakyan. Binigyan sila ng pribadong pagkakataon na magpaalam sa isa’t isa. Hindi na kasi basta-basta uuwi si Troy at hindi rin basta basta ito mabisita. At kapag mabisita man ay wala na silang private moment.
‘I love you Loveydoll, never forget that I love you so very much. Ikaw ang buhay ko.’ Bilin ni Troy sa kasintahan matapos silang maghalikan at magyakapan.
‘Never Loveydove, you took my heart the moment our hands touched that fateful day at Shakeys. I love you now and forever.’ Adriana handed him a miniature rosary. ‘Always pray Loveydove, God will keep you from any harm. I will also pray for you and for us.’
‘Thanks Lovey, but hey, cheer up, we also have breaks, we will always see each other, not often though.’
The three bid him goodbye then and returned to Manila while Troy was left with mixed feelings. He already misses Adriana. But he is also determined to finish the course. Luckily, most of the subjects he finished in Ateneo were carried on and one year was slashed. He will finish in three years time.
He took his things and reported to quarters.
A new life began.
Chapter 2
‘Oh, happy day, thank you Lord!’ Masaya at masigla ang umaga ni Adriana. Nagising siyang kakaiba ang ligayang naramdaman sa puso niya. Sa wakas, tapos na rin ang pagpasok sa paaralan. Pagkatapos ng graduation, magreview agad siya para sa board exam. Pag naipasa niya, magtrabaho na siya. May sarili na siyang pera. Pwede na siyang mamasyal kung saan niya gusto. Pwede na siguro silang magpakasal ni Troy. Oh Troy, I love you so much! Kilig na kilig siya tuwing maisip niya si Troy.
Hindi na niya hinintay si Tita Cely na maglabas ng kaniyang damit. Siya na mismo ang naglabas, at inilapag sa kama. Inilabas na rin niya ang sapatos at mga alahas na gagamitin niya. Tapos na siyang maligo ng pumasok si tita Cely. Green ang kulay ng dress niya to compliment the brown color behind the toga. Brown kasi ang na-asign na kulay ng business department ng DLSU which represents stability. Green din ang kulay ng logo ng unibersidad. Below the knee ang haba ng damit na kasing haba ng toga. One -inch lang ang heels ng close shoes niyang black dahil ayaw niyang mas matangkad pa sa iba.
‘Aba, mukhang excited tayo ngayon ah, ano pang kailangan mo anak?’
‘Pakidalhan na lang po ako dito ng pagkain.’
‘No problem anak, your wish is my command.’ Nakangiting tugon ni Tita Cely. Masaya na rin si Tita Cely, dalaga na ang alaga niya at kadalasan ay hindi na kailangan ang serbisyo niya.
‘Dyaraaaan.. . , here comes the bride. Ay mali!’ Ang salubong sa kaniya ni Brian nang bumaba siya sa salas.
‘Don’t say bad words! Matalas pa naman ang dila mo.’ Pabiro din niyang sagot.
‘O siya, tama na. Alis na tayo at siguradong ma-traffic ngayon. Nag-aantay na si Daddy sa sasakyan. Siya daw ang magdrive ngayon.’ Pag-papatigil ni Amalia sa biruan ng dalawang anak. Tiningnan niya si Adriana at hindi niya mapigilang hangaan.
‘Ang ganda mo anak.’
‘Salamat mom, mana-mana lang naman.’ Nakangiti niyang tugon.
Lumabas sila at tinungo ang umaandar nang sasakyan.
Nakatayo sa balkonahe ang tatlong kasambahay. Pinagmamasdan ang paalis na sasakyan. Dalawa sa kanila ay ang mag-asawang Manuel at Cely. Driver at gardener si Manuel habang si Cely ay nanny ni Adriana. Ang isa naman ay si Wena na nanny ni Brian. Kahit malalaki na sina Adriana at Brian ay nanatili silang nagtratrabaho doon. Maganda ang trato ng pamilya sa kanila kaya naman, hindi na nila ninais umalis. Nang umalis ang pamilya, pinuntahan ni Manuel ang gate at isinara.
Malaki ang bahay na gawa sa concrete. Dalawang palapag na may apat na kuwarto sa itaas at tatlo sa ibaba. Ang pinaka malaki sa ibaba ay ang masters’ bedroom na may sariling toilet-bathroom at dressing room. Ang isa ay kwarto ng mag-asawang Manuel at Cely. Ang isa ay kay Wena. Sa taas naman ay ang tig-isang kwarto ng magkapatid, isang guest room, at ang dating nursery room ay ginawang office. Nasa baba din ang malawak na salas. Pinagitnaan ng salas at kusina ang dining room. Naka-annex sa main building ang garahe na pwede ang apat na sasakyan. May terrace sa taas ganoon din sa baba. Malawak ang bakuran na natamnan ng mga nag-gagandahang mga bulaklak. Sa likod ay may swimming pool. Isang beses isang lingo ay may pupunta na maglinis. Napalibutan ang buong property ng concrete fence. Well furnished ang bahay na kombinasyon ng mga antigo at modernong mga furnitures. Dito nauubos ang oras nila Cely at Wena sa paglilinis pero ang maganda, hindi sila pinakiki-alaman. Ang importante ay gawin nilang malinis at maayos ang bahay. May pagkain, at may malinis at plantsadong isusuot ang pamilya. Kaya naman, sila nang tatlo ang nag-usap kung paano nila magawa ang trabaho.
Panganay sa dalawang anak ng mag-asawang Bernard at Amalia Montemayor si Adriana. Kinaiinggitan siya ng marami niyang kaklase dahil beauty and brain siya. Kahit hindi siya naka heels, kasingtangkad niya ang karamihan sa mga basketball players sa unibersidad. Six-footer siya na minana sa kanyang ama. Mana naman sa kaniyang ina ang kagandahan ng mukha niya. Ang makinis na balat at balingkinitan niyang katawan ang contribution niya dahil sa kanyang maayos na pangangalaga sa katawan.
Pagdating nila Adriana sa Philippine International Convention Center sa Pasay kung saan gaganapin ang grauation ay sumalubong agad si Troy. Kanina pa ito nag-hintay. Tumayo siya sa entrance at inabangan ang pagdating nila. Kahit maraming tao, madali pa rin niyang nakita si Adriana dahil matangkad ito. Hanggang ngayon na tatlong taon na silang magnobyo ay lumulundag pa rin ang puso niya tuwing makita niya ang kasintahan. Mahal na mahal niya ito. Pambihirang kaligayahan ang dulot ni Adriana sa buhay niya.
Iniabot niya ang isang rose at isang maliit na kahon. ‘Congratulations loveydoll! Ngayon na kita babatiin dahil siguradong hindi na ako makasingit mamaya. Besides, aalis agad ako.’ Niyakap na lang niya dahil hindi makahalik at masira ang lipstick. Bumaling siya sa mga magulang nito at binati rin. Boto naman ang mga ito kay Troy at welcome siyang pumunta sa bahay nila kaya walang problema. Iniabot niya ang camera kay Brian.
‘Tol, pakikuha kami ng pictures please.’ Kinuha ni Brian at kinunan niya sila ng maraming shots. Nakipicture din ang mga magulang, then nakisuyo si Brian sa isang bystander na kunan silang lahat.
‘Salamat Loveydove, message kita mamaya. Nasa loob na ba si Cindy?’ Yumakap din si Adriana sa kasintahan at nakibeso-beso na lang.
‘Parating pa lang sila. Alam mo naman yon, late lagi.’ Bumaling ulit sa mga magulang ni Adriana at nagpa-alam. ‘Alis na po ako tito, tita, ‘tol. Half day lang kasi ang binigay na pass ko.
‘Ok hijo, ingat ka.’
Nang umalis si Troy, pumasok na rin sila sa loob. Pumunta si Adriana sa upuan ng mga graduates habang ang mga magulang niya ay naghanap ng maupuan. Dalawa ang allowed na guest ng isang graduate. Hindi makadalo ang tatay ni Cindy at hindi rin magtagal si Troy kaya ang isang guest ticket ni Cindy ay binigay kay Brian. Hinanap muna ni Adriana ang kanyang upuan. May naka-assign siyang upuan dahil awardee siya. Maya-maya, hinanap niya si Cindy at nagyakapan silang magkaibigan.
‘Congrats fren, heto na ang regalo ko, baka hindi na kita makita mamaya. Asan ang regalo mo sa akin?’ Iniabot niya ang isang box kay Cindy.
‘Wow, thanks fren, nasa bahay, kailangang pumunta ka doon kasi hindi ko mabitbit.’
‘Grabe naman. Ano yon, kasing laki ko?’
‘Secret.’ Nakangiting tugon ni Cindy.
‘Ok, sige na, magsisimula na tayo.’ Bumalik si Adriana sa kanyang upuan at binati ang mga katabi niya.
Sa punto ng awarding, malakas na palakpakan ang naririnig ni Adriana habang papunta siya sa stage. Summa Cum Laude award at ibang leadership and special awards ang nakuha niya, kaya naman sukdulan ang pasasalamat niya sa Dios, sa mga magulang niya, at sa mga instructors niya. Nang matapos ang graduation rites, hindi siya makalabas dahil nagsilapit ang mga kaibigan niya at binati sa tagumpay niya. Pala-kaibigan kasi siya at hindi mayabang kaya maraming nagmamahal sa kanya. Hindi rin makalapit ang mga magulang niya kaya hinintay na lang nila sa sasakyan.
‘Congratulations hija, we are so proud of you!’ Niyakap nila ito at pumasok na sa sasakyan.
‘Congratulations ate, pero grabe ka, kahit sana magna cum laude lang.’
‘At bakit naman bro?’
‘Kasi, ine-expect na nila Dad at Mom na ganon din ako ga-graduate e ang hirap abutin ang ganoong klaseng grades.’ Second year pa sa kolehyo si Brian, BS Architecture naman ang kinukuha.
Nagtinginan ang mga magulang nila.
‘Brian hijo, hindi parepareho ang tao. Gawin mo lang lahat ang kaya mo at anuman ang maabot mo ay masaya na kami.’ Pagpapalubag loob ng kanyang ama.
Nang dumating sila sa bahay, nakita ni Adriana, maraming sasakyan ang nakaparada malapit sa bahay nila. At may mga taong pumapasok sa loob ng bahay. Nagtaka rin siya kung bakit hindi ipinasok ng ama sa garahe ang sasakyan. Doon din sila huminto sa labas. Napansin niya, sarado ang garahe. At nang pumasok sila sa loob, nag-chorus ang mga bisita ng ‘Congratulations Adriana!’
Iniabot ng mga bisita ang mga regalo sa kanya at isa-isa niyang binuksan at nagpasalamat.
‘Ito naman ang regalo namin ng daddy mo.’ Iniabot ni Amalia ang isang maliit na kahon. Alam na ni Adriana na alahas na naman ang bigay sa kanya. Pero ng buksan niya, lumantad sa kanya ang isang susi.
‘Wow, Oh my Geeeee!’ Yumakap siya ng mahigpit sa mommy niya, sumunod sa daddy niya.
‘Maraming salamat po.’
‘You deserve it anak, go on. Hanapin mo kung para saan ang susing yan.’ Sabi ng ama niya na tuwang-tuwa sa kasiyahan ng anak. Tumakbo si Adriana sa labas at pumunta sa garahe na ngayon ay bukas na at tumambad sa kanya ang isang kulay red na kotse, a Mazda 121. Sa harap ng sasakyan ay may malaking ribbon at banner na ‘Congratulations Adriana.’ Na-inlove kaagad siya sa style at color.
‘Yah-hoo. . . ! Brian, halika! Saan mo gusto pumunta?’ Tuwang-tuwa na tinanong niya ang kapatid. Inalis naman ni Tito Manuel ang ribbon at banner.
‘Ate, mag-road test lang daw tayo at babalik agad dahil may mga bisita.’ Sagot ni Brian.
‘Ok, mamaya na lang tayo mamasyal pag umalis sila.’
Kalagitnaan na ng kainan ng bumalik sila. Karamihan sa mga bisita nila ay mga empleyado ng kompanya nila at mga malalapit na kaibigan ng kanyang mga magulang.
Kinabukasan, nagpaalam sila na pupunta kina Cindy.
‘Wow, it’s beautiful fren. Congrats!’ Pagbati ni Cindy nang makita ang sasakyan ni Adriana.
‘Salamat fren. It’s a surprise you know, they didn’t even ask what color I like. But I’m glad it’s red like yours.’
‘Tara nang mag apply ng professional driver’s license para makalayo tayo ng pasyalan. We can even go and visit kuya.’
‘For once you said something sensible.’ Pabiro ni Adriana.
‘Hey, that’s because I don’t say it, I just do it.’
‘Oo na, Ikaw rin Brian, mag apply ka na rin ng student’s license.’
‘Magmerienda muna kayo.’ Pag-anyaya ni Miriam, ang mommy ni Cindy na sumalubong din sa kanila.
‘Hello po tita, musta po kayo?’ Nagmano sina Adriana at Brian.
‘Mabuti naman ako hija, hijo. Tena sa kusina.’
At dahil busy lahat ang mga kasam bahay sa mga trabaho nila, si Miriam mismo ang naghain ng merienda nila. Gusto niya ang pamilya Montemayor at nagagalak siya na si Adriana ang girlfriend ni Troy. Malaki ang impluwensya ni Adriana sa pagiging responsableng anak nila Troy at Cindy.
‘Troy saw you yesterday?’ Tanong ni Miriam kay Adriana.
‘Opo Tita.’
‘Mommy naman, nag pass si kuya dahil sa mahal niya. Sigurado ako, kung hindi ko kasabay si Adrianang grumaduate, hindi dadalo si kuya.’
‘Hey, may lagnat ka ba?’ Pabirong dinama ni Adriana ang noo ng kaibigan. ‘Hindi naman ganon fren, mahal na mahal ka ng kuya mo. Mahalaga sa kanya ang mga okasyon sa buhay ninyong isang pamilya.’
‘Tama si Adriana anak.’
‘Nagbibiro lang ako, kayo naman.’
‘Musta si Alex?’ Mula nang pumasok si Troy sa PMMA, si Alex ang kadalasan nilang kasama sa pamamasyal. ‘Hindi ko nakita kahapon.’ Tanong ni Adriana.
‘Oo nga pala, may regalo siya sa iyo. Pa-uwi kami kahapon nang makita namin siya. Hindi ka raw niya nakita sa dami ng tao.’ Tumakbo si Cindy sa kwarto niya sa ikalawang palapag at bumaba din kaagad. Iniabot niya ang isang box kay Adriana.
‘Ang sweet naman niya.’
Binuksan ni Adriana ang box at inilabas ang naka-frame na picture nila ni Troy. ‘Oh my geeeee. . .!’ Ang lakas ng tawa niya, dahilan para agawin ni Cindy at tiningnan ang picture. Kinuha din ni Brian at ang mama ni Cindy at tiningnan. Hindi matapos-tapos ang tawanan nila, maliban sa mama ni Cindy. Sa picture, nakahiga si Troy at nakahawak silang dalawa sa t-shirt nito. Nagmukhang parang pinipilit hubarin ni Ardriana ang t-shirt habang si Troy ay buong lakas na hinihila para hindi mahubad, nakalantad na ang tiyan ni Troy. Dagdag pa ang expression sa kanilang mga mukha. Ang kay Adriana ay parang excited sa mangyayari habang ang kay Troy ay mukhang takot ma-rape.
‘Ano bang nangyari dyan?’ Tanong ng mama ni Cindy.
‘Nadulas po si kuya at t-shirt niya ang nahablot ni Adriana para hadlangan ang pagbagsak ni kuya.’
‘Sa hindi nakakaalam ng istorya, iba ang iisipin.’
‘Ang galling naman ng photographer.’ Sabi ni Brian na ngingisi-ngisi pa rin.
Pagkatapos nilang magmerienda, nagpaalam na sila at pumunta sa opisina ng LTO. Sumakay silang tatlo sa kotse ni Adriana. Nag-fill-up sila ng form at nag-written exam. Pagkatapos, pumunta sila sa compound ng CPAR at kinuha ang listahan ng mga requirements para sa review.
‘Wow, sa darating na buwan pa mag-umpisa fren, may panahon pa tayo para mag-relax.’
‘Oo nga, ayos. Makapag-part time pa ako.’
‘Saan ka naman magpart-time?’
‘Sa opisina ni Daddy. Dapat ganon din ang gawin mo. Alangan na sa ibang kompanya ka magtrabaho, pagkatapos ng board exam natin.’
‘Ewan ko kung gusto ni Dad. Si mommy nga ay hindi nakiki-alam sa takbo ng negosyo namin.’
‘Yan ang mahirap, anong malay mo kung maayos ang takbo.’
‘Pagkatapos na lang ng board natin at kapag naipasa ko, hindi mahiya si dad na mag-pasok sa akin doon.’
‘Saan na tayo?’
‘Doon tayo kina lola, kain tayo doon.’ Ani Adriana.
Nag-part-time nga sina Adriana at Brian sa kompanya nila. Sa opisina ng ama nila si Adriana, sa auto shop naman si Brian. Si Cindy naman ay isinama ng mommy niya sa London. Uuwi pag magsimula ang review nila.
Naaliw si Adriana sa trabaho ng kanyang ama bilang Presidente ng kompanya. Pero hindi lang sa opisina ng kanyang ama namamalagi. Kung minsan, doon siya sa Accounting section. Sa ibang araw naman ay doon siya sa opisina ng Mommy niya sa Diamond J Super mall. At hindi niya namalayan, magsisimula na ang review. Nagpapasalamat siya dahil, naging abala siya kaya hindi niya masyadong na-miss si Troy.
Anim na buwan ang review nila. Sa araw ng exam nila ay tumawag si Troy na labis niyang ikinatuwa.
‘Good luck Loveydoll, sigurado ako na maipasa mo. I asked God for it.’
‘Salamat Loveydove, sana nga. I love you and I miss you.’
‘You’re welcome Lovey, I love you too, and you don’t know how much I miss you. Take care of yourself.’
Chapter 3
‘Ate! Ate!’
Biglang nagising si Adriana sa malakas na katok at boses ni Brian. Dali-dali siyang lumabas sa silid niya at tumakbo sa baba. Patakbo ring sumunod si Brian.
‘May sunog ba?’
‘Wala ate, tingnan mo ito.’ Tawang-tawa si Brian at iniabot ang newspaper na hawak-hawak niya
‘Brian naman, ang sarap ng tulog ko. Ano bang nanjan?’
‘Hija, congrats, naipasa mo ang board.’
‘Ho? Oh my God!’ Lumundag-lundag siya sa tuwa.
Lumapit ang Daddy niya at isinayaw siya. Dumating lahat ang mga kasama sa bahay at nagpalakpakan.
‘At hindi lang ipinasa, ikaw ang nag-top. Congratulations anak!’ Dagdag naman ng Mommy niya na yumakap din sa kanya.
‘Thank you, Lord, thank you Lord!’
‘Si Cindy?’ Kinuha niya ang newspaper at pumunta kaagad sa letter L.
‘Ay salamat, pasado rin. Tawagan ko siya. Sigurado ako, tulog pa yon.’
Nagcelebrate silang magkaibigan at ipinasya nila na sorpresahin si Troy kinabukasan.
Maaga silang magkaibigan na gumayak. Sa bahay na naman nila Adriana natulog si Cindy. Lagi-lagi na siya doon dahil mag-isa na lang siya sa bahay nila kasama ang dalawang kasambahay at isang driver-gardener. Nagpalitan silang nag-drive at binaybay ang around 140 kms na layo ng Zambales sa Manila. Lunch time na nang makarating sila sa PMMA compound. Kumuha sila ng visitors’ pass at pumasok sila sa loob. Hindi na nila pina-page. Nagtanong-tanong sila at nalaman na nasa mess hall si troy. Excited na excited si Adriana na makita ang kasintahan at ibalita ang pagkapasa nila. May pasalubong pa siya.
Inilabas ni Cindy ang camera niya at nagvideo habang naglalakad. Aliw na aliw sila sa mga naggu-guapuhang mga kadeteng naglalakad. Papalapit sila sa canteen ng tumingin si Cindy sa camera niya at nakita ang kuya niya na papalabas kasama ang isang babaeng kadete. Napansin ni Adriana ang paghinto ni Cindy sa paglakad, ibinaling niya ang tingin sa mess hall at nakita ang nagpahinto sa paglakad ni Cindy. Huminto na rin siya at pinagmasdan sila. Naka-akbay ang kanang kamay ni troy sa kasama habang ang kaliwang kamay ng babae ay nakahawak sa baywang ni Troy. Larawan sila nang masayang magnobyo. Halatang nagbibiruan sila dahil tumatawa sila. Ilang sandali pa, huminto sila sa paglakad at hinarap ang isa’t-isa. Hinapit ni Troy ang kasama at hinalikan sa bibig. Napatirik si Adriana sa kanyang kinatatayuan at ramdam niya na parang may isang matulis na kutsilyong tumusok sa puso niya. Papalapit na ang dalawa nang bigla siyang matauhan. Hinila niya si Cindy at patakbo silang lumabas.
May ginagawa ang guard sa entrance at hindi niya sila nakita kaya deretso silang lumabas. Pag-upo nila ay pinatakbo agad ni Adriana ang sasakyan. Mga sampung kilometro na ang natakbo nila nang i-shoulder niya ang sasakyan at humagulhol ng iyak. Sa unang pagkakataon, hindi alam ni Cindy ang gagawin niya. Ramdam niya ang sakit sa loob ng kaibigan niya. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Hinagod-hagod na lang niya ang likod at buhok ng kaibigan hangang huminto sa pag-iyak.
‘I’m so sorry fren, please talk to me.’
‘Ang sakit… Sabi niya mahal niya ako, pero bakit ganon?’ Umiyak na naman si Adriana. Ang bigat ng loob niya. Dahan-dahang hinila ni Cindy sa passenger seat ang kaibigan saka siya pumunta sa driver’s seat. Alanganin kasi ang lagay nila sa kalsada. Pinatakbo niya ang sasakyan hangang makarating sila sa isang restorant. Huminto sila sa isang gilid at binuksan ni Cindy ang pinto pero hindi lumabas.
‘Hindi rin ako makapaniwala fren, basta ang alam ko mahal na mahal ka ni kuya. Baka nag-kamali tayo ng hinala. Baka naman, magkaibigan lang sila.’
‘Uwi na tayo.’
‘Sandali, mag-cr muna ako.’ Lumabas si Cindy at pumasok pero imbes na sa CR pumasok ay pumunta sa likod ng resto at tinawagan ang kuya niya. Nang sumagot ang kuya niya, deretso niyang tinanong. Nagdasal na sana mali ang nakita ni Adriana.
‘Kuya, may bago kang girlfriend? Wag ka nang magsinungaling, nakita ka namin ni Adriana palabas ng canteen kanina.’
‘Damn! Kaibigan ko lang yon.’
‘Hindi ganon ang pag-intindi ni Adriana. Kahit pa sinong nakakita sa inyo ay masasabing magsyota kayo.’
‘Pwedeng kausapin ko sya.’
‘Hindi niya alam na tinawagan kita. Pauwi na kami ng Maynila. Excited pa naman na ibalita sa iyo na naipasa namin ang board, siya ang nag-top.’
‘I’m sorry Cindy. Kaibigan ko lang yon. Si Adriana ang mahal ko.’
‘You are finished, at kasalanan mo. Galit rin ako sa iyo, sinaktan mo ang kaibigan ko.’
‘Hello, Cin?’ Pinutol na ni Cindy ang tawag.
Umupo si Troy sa isang silya at nakatitig lang sa kawalan. Pag mawala si Adriana sa buhay niya, mawawala na rin ang sigla at saya ng mundo niya. Kahit pa gaano siya magsisi ngayon, nangyari na ang masakit na pangyayari. Pero susubukan pa rin niyang ipa-intindi kay Adriana na ang nakita niya ay pagpapaunlak lang. Alam niya, matagal siyang gusto ni Stella pero hindi niya ito mahal. May paghanga lang dahil katulad ni Adriana ay maganda rin at matalino. Pero hanggang sa paghanga lang. Nagbibiruan lang sila kanina at nang humawak si Stella sa kanya, ini-akbay na rin niya ang kamay. Damn! Napamura ulit siya.
Inilabas niya ang phone at dinayal ang number ni Adriana, nag-ring pero biglang naputol. Dinayal niya ulit pero can not be reached na, ibig sabihin, ini-off ni Adriana ang kanyang telepono. Ikinuyom niya ang kanyang palad. Galit na galit sa sarili. Mayamaya, narinig niyang nai-page ang pangalan niya. Pumunta siya sa entrance. Hinanap ng guard ang bisita niya, umalis sila na hindi sinurender ang visitor’s pass. Ipinangako na lang niya na irecover niya ang mga yon. Nanghina ang buo niyang katawan, pati utak naba-blanko. Pumasok siya sa quarters at nagdahilan na masama ang pakiramdam. God forgive me.
Samantala, sinolo na ni Cindy ang pagdrive, sa bahay nila sila umuwi. Ayaw niyang makita ng mga magulang ni Adriana ang itsura ni Adriana. Tinawagan na lang niya si Tita Amalia at sinabing lobat and phone ni Adriana, at sa bahay nila sila matulog. Buti na lang wala ang kapamilya ni Cindy. Pagpasok nila sa bahay, inaya niya si Adriana na maligo para gumaan ang pakiramdam. Tamang-tama naman ang pagtawag ni Troy. Sinabi lang ni Cindy na andon sila sa bahay nila at pinatayan din sa telpono. Galit pa rin siya sa kanya.
Pagkatapos, nilang kumain ay naglabas siya ng wine at uminom sila. Wala pa ring imik si Adriana, pero hinayaan lang ni Cindy. She is still in the state of shock. Nakadalawang baso sila bago nagsalita si Cindy.
‘I’m so sorry, fren. Hindi ko inasahan na gawin yon ni kuya. Pero alam ko, mahal na mahal ka ni kuya. Kung totoo man ang nakita natin, baka may explanation yon.’
‘Kahit ano pang explanation niya, malinaw na malinaw na panlinlang niya sa relasyon namin yon at hindi ko mapatawad.’
‘Pero fren, I hope hindi maka-apekto ang ginawa ni kuya sa pagkakaibigan natin.’
‘Wala kang kasalanan fren, ikaw pa rin ang bespren ko. I hope, Jordan won’t do that to you.’
‘Sasabihin mo ba kina tita?’
‘Hindi ko alam fren. Dapat kong sabihin pero siguradong maraming tanong at lalo silang makialam sa buhay ko. Siguro, hindi muna ngayon.’
Sa loob ni Cindy ay nagpapasalamat, gagawin niya ang lahat para magkabalikan sila. Dalawang tao na mahalaga sa kanya.
‘Ano ang plano mo? Magtrabaho ka na ba sa kompanya ninyo?’
Nasabi na ni Adriana noon na ganon nga ang gagawin niya, hindi lang maka-isip si Cindy ng pag-usapan kay tinanong niya ulit.
‘Yon pa ang isa sana na sabihin ko kay Troy. Napag-usapan namin nina Daddy na ituloy ko sa MBA. Gusto nilang sa Wharton ako mag-enrol pero inayawan ko dahil ayokong mawalay kay Troy pero sa nangyari ngayon, doon na ako. Ituloy mo rin at sabay ulit tayo.’
‘Sorry fren, tamad na akong mag-aral.’
Dalawang oras pa sila nagkuwentuhan bago umepekto ang ininom nila at inantok din si Adriana. Natulog silang dalawa sa kuwarto ni Cindy. Kinabukasan, ibinigay ni Adriana ang pasalubong niya sana kay Troy sa kasambahay nina Cindy. Ini-on na niya ang cellphone dahil nag-aalala baka tumawag ang mga magulang niya. Pag-on niya ay sunod-sunod ang beep. Maraming messages galing kay Troy pero hindi na niya binasa, dinelete niya lahat at inilagay sa screened numbers ang kay Troy. Mahapdi pa rin ang kirot sa dibdib niya, at naiiyak na naman pero pinigilan niya. Pinilit niyang pinaintindi sa puso niya na tapos na ang isang yugto ng buhay niya at kahit iyakan niya ng iyakan, hindi na maibalik ang saya ng nakaraan. Tanggapin na lang niya na tapos na at ituloy ang buhay. Tinext niya ang Mommy niya na mamayang gabi siya uuwi. Magpalipas muna ng isa pang araw para maaalis ang pagmumugto ng mga mata niya.
Tulog pa si Cindy kaya pumunta siya sa terrace at umupo doon. Masarap ang preskong hangin sa umaga. Tulad ng bahay nila, dalawang palapag din ang bahay nila Cindy. Ang mga pamilya nila ay kasama sa mga unang pamilya na negosyante sa Manila. Ang Negosyo nila Cindy ay banking at cruiseline. Kaya naman kahit hindi magtrabaho si Cindy ay wala siyang problema sa pera. Tatlo silang magkakapatid, ang panganay na ate niya ay nag-asawa ng ship captain at sa London na nanirahan. Doon na rin pinili ng mga magulang nila na manirahan.
Ang business naman ng pamilya ni Adriana ay ang auto shop ng Daddy niya at ang mall ng Mommy niya. Pamana ang mga business na ito ng kani-kanilang mga magulang. Only son ang Daddy niya at only daughter din ang Mommy niya. Pero nang magka-aanak sila, akala nila ay hindi na sila magka-anak ulit kaya pinag-isa nila ang business sa pangalan na Diamond J Enterprises. Ang Daddy niya ang President at Vice President ang Mommy niya.
‘Good morning fren, ang aga mo namang gumising.’ Naputol ni Cindy ang pagmuni-muni niya.
‘Good morning fren. And as usual, ang late mong gumising.’ Nakangiting biro ni Adriana.
Nagtaka si Cindy dahil ang sigla ng kaibigan niya.
‘May himala bang nangyari nag matulog tayo? Iba na ang aura mo ngayon ah.’
‘Wala naman, my rule is not to dwell on bad moments. Iniyakan ko na ang masakit na nangyari, tama na ang isang hapong pagdalamhati. Life must go on. Siguro nangyari yon para magising ako na hindi kami para sa isa’t isa ng kuya mo.’
‘Ang lungkot naman, pero bilib ako sa katatagan mo fren. Sana hindi mangyari sa amin ni Jordan dahil hindi ko kakayanin.’
‘Buo na ang pasya ko fren, ituloy ko Wharton.’
‘Good luck fren, alam ko kayang-kaya mo.’ Tinawagan ni cindy ang isang kasambahay na ipaghanda na sila ng almusal.
Patapos na silang kumain ng dumating si Alex.
‘Musta kayo beautiful ladies?’
‘Mabyuti pa rin, ikaw? Saang lupalop ng mundo ka nagtago at ngayon ka lang lumitaw?’ Si Adriana ang sumagot. At nagtaka si Alex dahil parang walang anumang nagyari. Binibiro ba siya ni Troy? Nginitian niya si Adriana at tiningnan ng maigi, namugto ang mga mata, halatang umiyak pero walang mabanaagang lungkot sa mukha niya. Gulong-gulo na si Alex.
‘Hey, may sinabi ba akong mali?’ Tanong ni Adriana. Titig na titig sa kanya si Alex kaya alam niya, pinadala siya ni Troy para i-check sila.
‘Ah e, wala naman. Naging busy lang sa school. Si Troy, hindi ba umuwi?’
Nang hindi sumagot si Adriana, si Cindy ang sumagot.
‘Hindi, bakit, sinabi ba niyang uuwi?’
‘Nagbabasakali lang ako dahil Sunday ngayon.’
‘Oh gosh, Sunday nga pala ngayon. Hindi pa ako naka-pagsimba.’
‘Pwede pa naman, tuloy-tuloy naman sa Quiapo, o sa Edsa Shrine.’
‘Sige simba tayo pero kailangang umuwi muna ako at magpalit ng damit.’
‘Pahiramin kita. May unsused undies ako.’
‘Ok, solved.’
Habang naliligo at nagbibihis ang magkaibigan, tinawagan ni Alex si Troy at ibinalita ang nakita niya.
‘’Tol, hindi ko maintindihan kung nakalimutan ka na niya at naka-move on na or nagkukunwari lang na may hindi magandang nangyari. Tingnan na lang natin ang susunod na kabanata.’
‘Salamat ‘tol, pakibantay na lang sila.’
Hinabol ni Adriana ang second deadline of admission sa Wharton University sa Philidelphia. Naipasa niya ang English proficiency test, at nakompleto niya lahat ng requirements kaya na-admit ng maayos. Sa araw ng pag-alis niya, dumating si Troy pero hindi niya pinakinggan. Ilang beses din itong pumunta sa bahay nila sa nagdaang mga araw at kinausap pati mga magulang niya pero buo na ang loob niya na kalimutan si Troy. Kasama si Cindy na naghatid sa kanya sa airport. Nag-iyakan silang magkaibigan at nangakong laging magtawagan.
‘God bless you hija, tumawag ka agad pagdating mo doon.’ Paalala ng Mommy niya.
‘Good luck anak.’ Pahabol ng Daddy niya.
‘Wag kalimutan ang pinabibili ko ate.’ Dagdag naman ni Brian.
Nakachek-in na siya at nakaupo na sa eroplano ng may tumawag. Number lang ang lumabas pero sinagot pa rin niya. Baka may importanteng ibilin.
‘Have a safe trip Loveydoll, mahal pa rin kita.’ Muntik niyang mabitawan ang telepono nang marinig ang boses ni Troy. Pinutol niya agad ang tawag at inilagay sa airplane mode para manahimik. Pero ang puso niya ang hindi matahimik. Huminga siya ng malalim at pilit pinakakalma ang damdamin niya. Hindi niya maikaila, mahal din niya ang kumag pero para saan pa? Para patuloy na masaktan? Inilabas niya ang baon niyang pocketbook at nagbasa na lang. Engrossed siya sa pagbabasa at hindi niya namalayan paalis na pala sila. Off to a new chapter of life.
Chapter 4
‘Oh happy day, thank you Lord!’ As usual, maaga siyang gumising. At masaya ang araw niya. Parang kalian lang, nang sambitin niya ang mga katagang ito. Parang kahapon lang pero ang totoo, it was three years ago. At ngayon, graduation day na naman.
‘Congratulations anak, you nailed it again.’ Pagbati ng Daddy niya.
Kahapon pa dumating ang mga magulang niya kasama si Brian.
‘Congrats anak. You realy made us proud.’
‘Super ka talaga ate, Suma na naman. Kahit saan, hindi ka patatalo.’
‘Mabait ang Dios Brian, hindi niya ako pinabayaan.’
Isang lingo pa sila namalagi sa US, sinulit nila ang pamamasyal. Bagay na hindi nagawa ni Adriana kahit dalawang taon siyang nanirahan sa US. Inilaan talaga niya lahat ang oras niya sa pag-aaral. May mga pagkakataon na pwede naman siyang mamasyal pero wala siyang gana. Sumali siya sa mga activities sa unibersidad at doon niya inilaan ang mga oras na wala siyang klase. Lumalabas din paminsan-minsan kasama mga kaibigan at natuto na rin siyang uminom ng beer at ibang spirits. Marami rin siyang mga kaibigan, different nationalities, at may mga nanligaw din pero sarado na ang puso niya. Paminsan-minsan kapag may nakikita siyang magkahawak kamay na magkasintahan, hindi niya mapigilan ang makaramdam ng matinding lungkot. At lalong hindi niya mapigilan ang sarili na maisip si Troy. Sa likod ng kirot sa puso ay mahal pa rin niya si Troy. Pero wala na siya sa buhay niya. Tama na sa kaniya ang pagkaroon ng maraming kaibigan. Musta na rin kaya si Cindy? Biglang naputol ang ugnayan nila. Sa unang taon niya sa US ay malimit silang nag-uusap pero biglang hindi na makontak si Cindy. Bagay na sobra niyang ikinalungkot.
Kumuha sila ng six-day Grand East Coast Tour from New York City to Philadephia. Naglibot sila sa Capitol Hills sa Washington DC at nakita ang majestic Niagara Falls at mga tourist attractions sa Boston. Ito ang pinaka masayang yugto ng buhay nilang isang pamilya. Ilang araw na magkasama sila. Nagtawanan, nagkuwentuhan, binalikan ang kanilang kabataan, at nagplano muli para sa hinaharap. Masayang natapos ang bakasyon nila at ngayon, pabalik na sila sa Pilipinas. Alam na ni Adriana ang magiging buhay niya, buhay office girl.
Nagising siya sa boses ng steward na nag-announce ng kanilang pagdating sa NAIA. Paglabas nila sa airport ay nandon si Tito Manuel na susundo sa kanila.
‘Welcome back Adriana, kompleto na ulit ang bahay.’
‘Hello Tito, musta kayo? Miss ko na kayo.’ Niyakap niya si Tito Manuel bago pumasok sa sasakyan.
Pagdating nila sa bahay ay sarado ang pinto. Pina-una siyang pumasok kaya siya ang nagbukas sa pinto.
‘Welcome home.’ Pagpasok niya sa bahay ay nagduet sina Tita Cely at Tita Wena, ang nanny ni Brian, hawak-hawak nila ang welcome poster. Inilapag niya ang kanyang bag at sabay niyang niyakap ang dalawa.
‘Ang sarap umuwi, miss ko kayong lahat.’
‘Naku anak, lalo kang gumanda.’ Sabi ni Tita Cely.
‘Hiyang ka sa US anak.’ Dagdag naman ni Tita Wena. Nakipagkuwentuhan siya sa kanila habang ang mga magulang niya ay nagpahinga. Marami silang tanong at nakiupo na rin sina Brian at Tito Manuel. Walang nangahas magtanong kung paano na sila ni Troy at kung may bago na ba siyang nobyo.
Kinabukasan, tumawag siya sa bahay nina Cindy. Si manang Rosa ang sumagot at sinabing nasa London si Cindy. Sinubukan niyang kunin ang mga telephone number nila at ang ate at Mommy niya pero hindi nila alam. Ang alam lang nila ay ang number ni Troy na hindi naman niya kailangan. Gustong-gusto niyang tawagan si Alex at baka alam nito ang nangyari kay Cindy pero ayaw niyang ibalita nito kay Troy ang pag-uwi niya.
Nagpahinga siya ng isang lingo bago siya sumama sa opisina ng Daddy niya. Doon sinabi ni Bernard na na-acquire nila ang Real Estate business ng ninong ni Brian. Kasama sa pagbili ng business ay ang pag-ako ng utang sa banko. Kaya naibenta ng ninong ni Brian ay dahil hindi naka-pagbayad sa amortization sa malaking loan sa banko. At wala nang pag-asang makabayad. Maluho kasi ang asawa niya at nagsusugal pa.
‘Bukas, punta tayo doon at ipakilala kita sa mga staff, ikaw ang mamahala doon. Kaya pag-aralan mong mabuti itong mga reports at dokumento. Learn the trade fast and don’t allow anybody to undermine you. Marami sa staff ang matatanda sa iyo but deal with them in a kind but firm manner. Kaya mo yon anak.’
Kinuha ni Adriana ang mga papeles at umupo sa isang lamesa. Iniscan niya lahat at gumawa ng sarili niyang files sa laptap niya. Inilista niya lahat ang mga tanong niya. Mamayang gabi, pag-usapan nilang mag-ama sa bahay nila.
Kinabukasan nga ay pumunta sila sa head office ng Real Estate sa Makati. Sumama rin si Amalia. Gamit nila ang sasakyan ng Daddy niya habang gamit ni Adriana ulit ang sasakyan niya. Pagdating nila sa office ay andoon lahat ang staff. Inabisohan pala sila ni Mabel, ang secretary ng Daddy niya.
‘Good morning ladies and gentlemen, I would like you to meet my daughter Adriana. Starting today, she will manage this department.’
‘Ikinagagalak kong makatrabaho kayong lahat, I hope we will have no problems.’
Pinagreport ni Bernard ang mga division chiefs habang tine-take note lahat ni Adriana. Meron na agad siyang nakitang mga issues but she will deal with them later. Pagkatapos ng meeting ay umalis ang mga magulang niya. Naiwan na siya sa bago niyang trabaho. At bagong yugto ng buhay niya. Bukas ay pasyalan niya ang tatlong subdivision na dinedevelop nila.
Kasalukuyang nag-uusap sila ng Accountant ng tumunog ang telepono niya. Tiningnan niya, number lang ang lumabas kaya hindi niya sinagot. Takot na siyang sagutin ang ganon at baka boses ulit ni Troy ang marinig niya.
‘Ma’am, may tawag po si Mabel.’
‘Hello Mabel…Oh my God! Saang ospital?’ Mabilis niyang ibinaba ang telepono at dinampot ang bag niya.
‘Naaksidente sina Daddy.’
Yon lang at tumakbo na siya papunta sa sasakyan niya. Oh God, please let them live, please please Lord. Habang nasa daan ay panay ang panalangin niya. Pagdating niya sa Saint Luke’s hospital, dumeretso agad siya sa emergency. Nasa surgery daw ang mga magulang niya. Nagpalakad-lakad siya sa labas ng surgery. Nanginginig siya sa nerbiyos. Papunta na rin si Brian na tinawagan din ni Mabel. Sa opisina ng Diamond J tumawag ang mga pulis ng marecover nila ang wallet ng kanyang Daddy at nakita nila ang number sa calling card.
Kalahating oras pa ang lumipas bago lumabas ang isang doctor.
Dali-daling kinausap ni Adriana.
‘Dok, ako po si Adriana, anak nina Bernard at Amalia Montemayor. Musta po ang lagay nila?’
‘I’m so sorry Adriana.’
Pagkarinig niya ng I’m sorry ay lumambot ang buo niyang katawan.
‘Oh, please no!’ Sumandal siya sa diding at inantay ang iba pang sasabihin ng doctor.
‘Dead on arrival ang driver. Ginawa namin ang lahat para sa mga magulang mo but the damage was really bad.’
‘No no no!’ Tuluyan na siyang napaupo sa sahig at humagulhol ng iyak. Ganon siya nadatnan ni Brian. Pagkakita ni Brian sa ate niyang umiiyak ay alam na niya ang masamang nagyari. Yumakap sa ate niya at napaiyak din. Nang humupa ang pag-iyak nila, tinawagan ni Adriana ang ninong niya. Dumating ang ninong at ninang niya at ini-uwi sila. Ang ninang niya ang nagdrive sa sasakyan niya. Pagdating nila sa bahay ay niyakap niya si Tita Cely. Maingat magdrive si Tito Manuel kaya hindi sa kanya ang problema. Ayon sa pulis na nag-imbestiga, isang ten-wheeler truck na nawalan ng preno ang bumanga sa kanila kaya ganon ang impact. Nag-iyakan na lang sila.
‘I’m sorry Tita, wala na rin si Tito Manuel.’
Naiwan muna ang ninang niya para samahan sila habang ang ninong niya ay nakipag-ugnayan sa funeral homes na mag-asikaso sa mga bangkay. Inasikaso rin niya ang insurance ng sasakyan. Hinayaan na nilang sa funeral parlor nakaburol ang mga bangkay. Pagkalipas ng tatlong araw ay inilibing na sila. Nasabi noon ng mga magulang nila na ayaw nila ang mahabang burol. Sobrang lungkot at pagdadalamhati ang dinadanas nila. Tahimik silang apat. Tanging si Tita Wena lang ang gumagalaw sa bahay at Kung hindi pa siya magalit ay hindi sila kakain.
After a week ay dumating ang ninong niya kasama si Attorney Sanchez para sa pagbasa ng last will and testament.
‘Hija, malinaw ang nakalagay sa testament, ikaw ang papalit kay Bernard na Prersidente ng kompanya ninyo.’
‘Hindi pa ako handa Ninong.’
‘Kaya mo yan hija. Lahat ng bagay ay napapag-aralan. Mahirap ipa-ubaya ang business sa ibang tao, mamaya hindi na pala ikaw ang may-ari ng negosyo mo.’
‘Pagkatapos ng board ni Brian ay may katulong ka na. Bukas, kailangang pumasok ka na. maraming transactions ang kailangan mong pirmahan. A ship without a captain will sink. Kung may problema, tawagan mo ako.’
Wala nang magawa si Adriana kundi sumang-ayon.
‘Salamat ninong sa lahat ng nagawa ninyo. Salamat Attorney.’
At ngayon, eto na sya, nakaupo sa silya ng company President. Ang upuan na puno ng kapangyarihan pero puno din ng responsibilidad. Gabundok na papeles ang nadatnan niya sa lamesa. Tinawagan niya si Mabel at tinanong kung alin doon ang mga priority niyang pirmahan. Ang iba ay kailangan niyang busisihin. Sahod ang una niyang pinirmahan, ayaw niyang magutom ang mga empleyado, pagkatapos ay inisa-isa niyang tiningnan ang iba, at sinimulan na aralin ang negosyo.
Dalawang palapag ang main office ng Diamond J na katabi mismo ng mall. Ito ang dating family house ng mga magulang ni Amalia. Dito lumaki si Amalia pero nang mag-asawa siya at bumukod, ay iniwan na rin ng mga magulang niya at tumira sa restorant nila na malapit sa CCP. Nasa ground floor ang office niya. Ayaw na niyang baguhin. Kung paano niya nadatnan ay ganon pa rin. Pakiramdam niya kasi ay nandon pa ang Daddy niya na sumusubaybay sa kanya. Katabi ng office niya ang office ng Secretary. Nandoon din ang offices ng Accountant, Bookkeeper, Cashier, at ang Utility room para sa Janitor at Security Guards. Sa ikalawang palapag ay office ng Vice President, ang HR, at Cashier. Kalahati ng ikalawang palapag ay ginagamit nilang pagdausan ng meetings at seminars.
Ang mall naman ay tatlong palapag. Ang ground floor ay grocery at appliances. Ang ikalawang palapag ay RTW, footwear, gadgets, at cosmetics. Ang ikatlong palapag ay retorant at kids play room. Sa bawat palapag ay may office ang Assistant Manager. Ang auto shop naman ay nasa Buendia. Malaki ang showroom. Nag-iimport sila ng mga sasakyan. Sa likod nito ay malawak na factory at repair shop. Gumagawa sila ng mga jeepney. Bumibili rin sila ng mga lumang sasakyan at inaayos saka ibenta. Maraming nagpapaayos ng mga sasakyan dahil magagaling ang mga mekaniko nila at reasonable ang singil.
Lanta ang katawan niyang umuwi. Kinumusta niya si Brian at ang dalawang kasama nila. Kumain ng konti tapos nagshower at natulog na. Tomorrow is another day. Ganon ang buhay niya ng tatlong buwan.
Sa ikalawang buwan, nagpatawag siya ng meeting ng mga department heads. Nang mamatay ang mga magulang niya, akala ng mga empleyado ay mangagaling sa kanila ang papalit sa Daddy niya. Nagulat silang lahat ng mag bigay siya ng memo na siya na ang bagong Presidente. Marami tuloy ang haka-haka na babagsak ang kompanya. Perfect ang attendance, hindi dahil sa kagustuhan nila kundi para tingnan kung paano patakbuhin ni Adriana ang kompanya. Punctual pa silang lahat.
‘Good morning ladies and gentlemen. Una, gusto ko kayong pasalamatan ulit sa pakikidalamhati ninyo sa pagkawala ng aking mga magulang. Tungkol sa trabaho, mabigat na responsibilidad itong biglang naibigay sa akin but I must respect my parents’ will. Kaya, hinihingi ko ang tulong ninyo. Kung anuman ang binigay ninyo sa mga magulang ko, sana ay hindi magbago. Hinihingi ko sa inyong lahat na pagtulongan nating paunlarin ang ating kompanya para manatiling magbigay sa atin ng trabaho. Nitong nakaraang buwan ay ginugol ko sa pag-aaral sa takbo ng kompanya. At sa loob ng buwan ding yon ay may mga problema pero salamat at nalusotan natin.
Unang pumalakpak si Mabel, sumunod si Tito Roberto, ang manager ng auto shop, pagkatapos ay masigabong palakpakan ang lahat. Tito ang nakasanayan nina Adriana at Brian na itawag kay Roberto dahil kaedad ng Daddy nila at laging may regalo sa kanila.
‘Nagpatawag ako ng meeting dahil may problema tayo. May notice ang banko na sinisingil na ang utang ng real estate business. Nabili natin ang business na yon kasama ang utang. Sa pagkamatay ng aking mga magulang ay nag-alala ang banko kaya naniningil na sila. Ang masama, dalawang lingo lang ang palugit na binigay ngayon. Noong unang lingo ng pag-upo ko dito, may notice na ang banko pero nakiusap ako na sundin nila ang five-year term ng loan pero nagdesisyon daw ang board ng banko na singilin na ang buong loan. Inupuan namin ni Attorney ang terms and conditions ng loan. It was stated there that the bank has the right to call on the loan as deemed necessary. Tinanong ko si Attorney kung alam ni Daddy yon. Alam daw pero hindi na pwedeng mabago. Five years ang loan term at meron pang dalawang taon before the due date pero naniningil na ang banko. Obviously, the bank has no confidence in my capacity to handle our business. Pinapunta ko sa banko ang ating Accountant at naki-usap kung pwedeng kalahati muna pero hindi pumayag ang banko.’
‘And what happens if we don’t pay the loan in two weeks?’ Tanong ng Assistant Manager ng real estate department.
‘The bank will own your department. And our millions of investments there will be lost.’ A hush fell on the audience.
‘Aside from the bank, our suppliers for construction materials have all sent their collecton notices. Along with that is a notice that our credit line is terminated. Again, they are worried that we might not pay them because my parents died.’ Doon na nakita ni Adriana ang awa sa mga mukha nila.
‘Hindi na lang sana binili ang business na yon.’ Naibulalas ni Mrs Mendoza, ang Assistant Manager ng RTW section ng mall.
‘Yon din ang unang sumagi sa isip ko pero sobrang maawain si Daddy. Kung hindi binili yon, baka sa lansangan na nakatira ang pamilya ni Tito Rosendo.’
‘So paano na natin bayaran yon?’ Tanong ni Tito Roberto na makitang alalang-alala.
‘I evaluated the whole financial standing of the company. Our reserves can pay a quarter of the loan balance. Then we will sacrifice our collections from the other departments. We have a rest house in Antipolo. I will have to put it on rush sale if needed.’
‘How about borrowing from other banks?’ Somebody suggested.
‘Out of the question, the banks have a network and they know if somebody has loans in other banks. Besides, I don’t like borrowing. My parents and grandparents established this business without borrowing.’ That garnered their appreciation. ‘What I want us to do is put on hold our purchases and go on sale for a week – 15% discount on all our products and services if paid on cash. I did the mathematics and we won’t go bankrupt. At the end of that sale period, if we won’t produce the needed cash, ako mismo ang pupunta sa banko at maki-usap.’
Everybody agreed and the meeting adjourned. She has the confidence of the managerial team now and that’s all that matters now. She still has ten days to settle the loan. She told Mabel that she’s going out for the day and will only be disturbed if the matter is of utmost importance.
Nag-usap sila ni Brian kagabi na ipahiram ang kanilang trust funds sa kompanya para pandagdag na pambayad. At dala-dala niya ngayon ang authorization ni Brian upang itransfer ang pondo sa account ng kompanya. Kaya lang, nang pumunta siya sa banko, nalaman niyang nagamit rin pala ng Daddy niya ang trust funds nila. Lupaypay ang mga balikat niyang lumabas sa banko. Where to now? Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at basta na lang sumama sa traffic. Dala ng malalim na pag-iisip, namalayan niya na nasa Quiapo na siya. Nakaramdam siya ng gutom pero wala siyang ganang kumain, nagpasya na lang siyang pumasok sa Quiapo Church.
Pumasok siya at umupo sa pinaka-unahan. Nanatili lang siyang nakaupo ng ilang minuto. Blanko ang isip at mabigat ang loob. Oh Daddy, do you have more surprizes in store for me? Hindi niya napigilang maghihinanakit. Pero hindi rin niya masisi ang Daddy niya. Mabait talaga ang Daddy niya at siguro ay naawa sa kumpadre niya. Para sa kanila din naman ang real Estate business na yon pero… Oh God help me find a way to pay the loan. Lumuhod na siya at nanalangin. Paglabas niya sa simbahan, napako ang tingin niya sa mga paninda doon. Nagustuhan niya ang isang naka-display na imahe ng Virgin Mother. Nagandahan siya kaya nilapitan para bilhin pero nang damputin niya, isang kamay din ang dadampot sana doon.
‘Oh. .’
‘Oh. .’
Sabay pa silang nagsalita at nagulat.
‘Cindy? Hoy friend, ikaw nga!’ Tiningnan ni Cindy ang nagsalita.
‘Adriana! Oh my Gosh!’
Nagyakapan silang magkaibigan, walang kamalay malay na nakatingin sa kanila ang maraming tao doon.
‘Musta ka na?’
‘Musta na?’ Sabay na naman silang nagsalita at tumawa ng malakas.
‘Mabuti pa, punta tayo sa amin at magkuwentuhan.’ Pag-aanyaya ni Adriana.
‘Yan din sana ang sasabihin ko. Sandali at sabihan ko si Mang Pinong na sumunod na lang sa atin. Sakay ako sa iyo.’
Si Mang Pinong ang family driver nila na sumundo sa kanya sa airport.
Tuwang-tuwa sina Tita Cely at Tita Wena ng dumating ang magkaibigan.
‘Cindy, ikaw ba yan?’ Tanong ni Tita Cely.
‘In flesh and blood po Tita.’ Niyakap ni Cindy ang dalawa bago sila lumabas ni Adriana sa veranda sa likod. Doon sila hinainan ni Tita Wena ng pagkain.
‘Kumain muna kayo, sigurado ako, hindi ka na naman kumain Adriana.’
‘Kakain na po Tita, salamat. Tita hainan na rin po ninyo si Mang Pinong.’
‘Okay, you start telling me about your silent mode.’ Panimula ni Adriana nang umalis si Tita Wena.
‘Pwede bang kumain muna tayo? Mukhang masarap ang niluto ni tita. Sabik na sabik na ako sa lutong pinoy.’
‘Haha. . hindi ka pa rin ngbabago, lagi kang may dahilan kung ikaw ang pag-usapan. Pero sige, pagbigyan.’
Pagkatapos nilang kuamain, hindi na maka-antay si Adriana.
‘Your timer starts now.’
‘Ang kuwento ko ba talaga ang gusto mong malaman o ang kuya ko? Wag ka nang mahiya fren.’
‘Ikaw talaga. Kahit naman hindi ko itatanong ay siguradong ikukuwento mo. So shoot.’
‘Hephep. . at bakit ako ang mauna?’
‘Ok, to be fair, let the coin decide.’ Pumasok si Adriana at bumalik na may dalang coin. Hindi na nya tinanong si Cindy. Pinalipad na nya ang coin sa taas.
‘Ibon ako.’
‘O’right, may iba pa bang choice? Tao ako.’
Nang lumapag ang coin ay tumambad ang tao.
‘Tingnan mo, ikaw talaga ang mauna, nagpagod pa tayo. Pero bago mo simulan . . ‘, Pumasok ulit si Adriana at bumalik na may dalang vodka at juice. Nakasunod si Tita Wena dala ang mga baso, tubig, at finger foods.
‘Ay salamat, pampa lakas loob at pampalabas ng boses. Tagay muna tayo.’
Binuksan ni Adriana ang vodka at linagyan ang dalawang shot glass.
‘Cheers!’ nag-clink sila ng baso at tinungga ang laman saka sila uminom ng juice.
‘Kumusta ka na pren?’ Tanong ni Cindy sa kaibigan.
‘Oooops! Ang sabi ng coin, ikaw ang mauna.’
Tumawa si Cindy.
‘Nagbasakali lang naman ako. Isang shot pa at baka hindi mo carry ang kuwento ko.’
‘Ganon ba ka-dramatic o ka-lerky?’
‘Saan mo ako gustong magsimula.’
‘Kung saan tayo huling nag-usap. Basta ka na lang naglaho.’
‘Alam ko, marami akong kasalanan sayo. Isang buwan pagkatapos ng huli nating pag-usap, nagbreak kami ni Jordan. Na-depress ako. Ang tanging outlet ng galit ko ay ang pagsira ng aking mga gamit. Ang cellphone ko, nawala. Ayokong makipag-usap kahit sino. Andon lang ako sa kwarto nagkukulong. Umuwi si Mama at isinama ako sa London. Unti-unti na-overcome ko ang depression.
Nakilala ko ang isang British. Na-love at first sight at naki-live-in. Tutol sina Mama pero kilala mo ako, I always get what I want in any manner. Tumira ako sa apartment ni Kurt. Tuwing weekend, namamasyal kami, nalibot na namin ang buong England, Wales, at Scotland. May sarili syang business kaya araw-araw siyang pumapasok. Nang ma-bored ako na laging nasa bahay lang pag week days, maliban lang kung mamasyal ako kina Mama, kusa akong namamasyal mag-isa. Nakilala ko si Carl. A funny happy-go-lucky guy. Na amaze ako sa fast-pace life style niya. Ipinakilala ako sa tropa niya at nakiki-happenings ako sa mga events nila. Hangang natuto na akong magsinungaling kay Kurt. Dalawa o tatlong beses sa isang lingo, natutulog ako sa pad nila Carl. Nasubukan ko na ring humitit ng shabu pero ayoko ang pakiramdam pagkatapos at ang mga nangyayari pag naka-high kaming lahat kaya hininto ko. Isang gabi, umuwi ako ng alas onse, nadatnan ko si Kurt, may kasamang ibang babae na naglalampungan sa sofa.’
‘Ouch!’
‘Kasalanan ko. Mabait si Kurt at binibigay niya lahat ang luho ko pero inabuso ko.’ Pagpapatuloy ni Cindy. Kinuha niya ang baso niya at tinungga ang laman nito.
‘So, nang makita mo sila, anong ginawa mo? Nagwala ka? Inaway mo sila? O basta na lang umiyak sa isang suli.’
Hindi napigilan ni Adriana ang pagtanong. Curious talaga siya kung ano ang ginawa ng kaibigan.
‘Uy, kailan ka pa naging chismosa? Ang pagka-kilala ko sa iyo, hindi ka mahilig mag-usyoso sa buhay ng may buhay.’ Sarkastikang sabi ni Cindy.
‘Sa buhay ng ibang tao, hindi ako nakikialam. Pero sa buhay mo, pakikialaman ko, sa ayaw at sa gusto mo.’
‘Anyway, sa pagkabigla ko, tumayo lang ako sa pintuan. Wala akong ginawa. Fren, tumayo lang ako doon na parang estatwa. Huminto sa pag-iisip ang utak ko. Hindi ko namalayan, nakaalis na ang babae ay nandon pa rin akong nakatayo sa pintuan.’
‘Ano naman ang ginawa ni Kurt?’
‘Pumasok sa kwarto at natulog.’
‘Totoo ba ito o gawa-gawa mo lang na istorya.’
‘Fren, real na real life story ko to. Ngayon, ikaw naman.’
‘Teka muna, hindi kompleto ang nobela mo. So anong nangyari?’
‘Kumuha ako ng brandy, naglagay ako sa dalawang baso, pumasok ako sa kwarto, ginising ko si Kurt at pinilit kong mag-inuman kami. Nang gumising ako kinabukasan, nakita ko si Kurt sa sahig, doon siya natulog. Nang bumangon ako para umihi, doon ko napansin na natulog akong suot pa ang aking mga boots at nakatabi ko sa pagtulog ang bote at mga baso kaya sa sahig natulog ang kawawang Kurt.’ Tumawa sila ng malakas.
‘Baliw ka talaga. So, anong nangyari?’ Tanong ulit ni Adriana.
‘Naghanda ako ng almusal at ginising ko si Kurt dahil papasok pa. Habang kumakain kami, tinanong ko kung seryoso ang relasyon nila sa babaeng nadatnan ko. Hindi raw. Tinanong din niya ako kung meron daw ba akong ibang lalaki, sinabi kong wala dahil yon naman talaga ang totoo. Siya pa rin ang mahal ko. Nag-sorry siya at sinabing hindi na ma-uulit. Nag-sorry na rin ako at nag-promise na iwasan ko na sina Carl.’
‘Wow, ganon lang?’
‘Yep, ganon lang. Mula noon, good girl na ako, naghanap na rin ako ng trabaho. Tungkol naman kay kuya, sa maniwala ka at sa hindi, hindi talaga niya girlfriend si Stella, ang nakita natin. Si Stella lang ang may crush kay kuya pero ayaw ni kuya sa kanya. Nang araw na pumunta tayo doon, first time nilang magkasama, sinabayan lang ni kuya ang paghawak sa kanya pero walang anuman kay kuya yon. Nagbibiruan lang sila. Bago ako pumunta sa London, pumunta kami ni Mommy doon, kinausap ako ni Stella at sinabi ang totoo, naawa daw siya kay kuya dahil laging malungkot.’
Lingid kay Cindy ay ikinatuwa ni Adriana ang balitang yon pero, ang tanong, ganon din pa kaya ngayon? Magkita pa kaya sila?
‘Well, I’m glad your life turned alright. So bakit bigla mo na lang akong nakalimutan Kung hindi pa natin parehong nagustuhan ang imahe ni Mama Mary ay hindi tayo nagkita.’
‘Kasi nahiya na akong tumawag sa iyo pero naiplano ko talaga na isang araw, uuwi ako at personal na magpaliwanag sa iyo.’
‘Ok, I forgive you.’
‘Thanks, fren, yan ang gusto ko sa iyo. Madaling magpatawad, no theatrics, maliban sa panig ni kuya. Sumakay na si kuya sa cruise, nasa Caribbean sila ngayon. Now, your turn.’
Naglagay muna si Adriana ng vodka sa baso nila at ininom.
‘Wow, third shot na natin ito ah, kalian ka pa natutong uminom ng mga may kaluluwang inumin?’
‘Well,
tulad mo, may impluwensya din ang pagtira sa labas nang Pilipinas. Naki-happenings
din ako sa mga friends ko sa Wharton U at kasama doon ang pag-inom. But my life
is not as thrilling as yours. Natapos ko ang MBA.’
‘With honors I’m sure.’
‘Yes.’
‘Sabi ko nga ba e.’
‘I came home ready to work. Dad made me manager of the newly acquired real estate business, but that appointment only lasted for two hours. Iniwan ako sa main office ng real estate ng ihatid ako sa unang araw ko doon, at sa pagpunta nila Daddy sa Diamond J, naaksidente sila. Namatay sila kasama si Tito Manuel.’ Hindi niya napigilan ang pag-luha. ‘At eto, biglang naging presidente ng kompanya. Isang lingo ko pa lang sa pwesto, marami nang problema ang hinarap. Dahil sa pagkamatay nila Daddy, lahat ng pinagkautangan ng kompanya ay naniningil. Malaki ang utang ng real estate sa banko. Ginigipit talaga kami ng banko. I only have two weeks to settle. Two days have already passed by.’
‘Oh my God fren, I’m so sorry for your lost.’
Hindi na rin napigilan ni Cindy ang pagluha para sa kaibigan. Para na rin kasi niyang magulang ang mga parents ni Adriana. Nawalan ito ng boyfriend, pagkatapos, nawalan ng mga magulang, and on top of it, ginipit sa utang.
‘Fren, naniniwala ka ba sa destiny?’
‘Oo naman.’
‘Then our meeting today is not accidental. It’s part of your grand destiny. Kalalanding ko lang kanina. Inuna kong pumunta sa simbahan para magpasalamat at hindi niya pinabayaang masira ang buhay ko. And of all the queer birds, ikaw ang pangalawa kong nakita. Una of course ang driver namin. Palagay ko, may malaking bagay akong gagampanan sa buhay mo, as usual. So paano na ngayon? Saan ka na kukuha ng pandagdag sa pambayad mo?’
‘Hindi ko pa naitanong sa sarili ko yan. Kanina ko lang nalaman na wala na rin pala ang trust funds namin ni Brian. Honestly, hindi ko alam.’ Kitang kita ni Cindy ang stress sa mukha ni Adriana. Awang-awa siya sa kaibigan.
‘May konti akong pera kung kailangan mo ng tulong’
‘Salamat fren. I might take you up on your offer. I need every help that I can get.’
‘Naniniwala ka ba sa hula?’ Biglang tanong ni Cindy.
‘Ano naman ang kinalaman ng hula sa problema ko?’
Tumayo si Cindy at pumasok. Maya-maya, narinig ni Adriana na may kausap sa telepono.
‘Ayun, pupunta dito ang manghuhula.’ Natatawa si Adriana kasi wala siyang paniwala sa mga ganoong bagay.
‘At kalian ka naman naniniwala sa hula, aber?’
‘Inaya ako minsan ni Adelle noong piyesta sa kanila. Sa ka-iikot namin sa mga pwesto, natagpuan namin ang isang manghuhula.’
‘Kung saan-saan ka na pala napadpad.’
‘Hindi rin ako naniniwala pero tiwalang-tiwala si Adelle. So, alam mo naman ako, always trying everything new, nagpahula na rin ako. Siya ang nanghula na magka-boyfriend ako ng forenjer. Subukan mo, there’s always a first time for everything. Malay mo, siya ang makahanap ng solusyon sa problema mo.’
‘Okey, your wish is my command.’
‘At ngayon, pwede ka nang magtanong tungkol kay kuya.’
‘Wag na, baka madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. Let sleeping lions lie.’
‘Sorry fren, I won’t defend my brotha. Basta ang alam ko, ikaw pa rin ang mahal nya.’
‘Whee. . ikaw lang ang nagsasabi nyan. Hayaan mo na, siguro sadyang hindi kami para sa isa’t isa. Period.’
‘Adriana, may naghahanap sa inyo.’ Ani Tita Wena.
‘Papasukin mo at samahan mo dito. Magdala ka na rin ng meryenda niya.’
‘Wag kang magkuwento sa manghuhula, hayaan mong siya ang magkuwento ng buhay mo.’ Pagpapa-alala ni Cindy.
‘Yes ma’am.’ Pabirong sagot ni Adriana.
Nang dumating ang manghuhula, pinag meryenda muna siya.
‘Musta ka na Aling Rosa?’
‘Ok naman Ma’am. Buhay pa rin.’ Nakangiting tugon ng manghuhula.
‘Ito po ang kaibigan ko, gustong magpabasa.’
‘Kumusta naman kayo ma’am?’ Tanong nito kay Adriana.
‘Ok din naman po Aling Rosa.’
Pagkatapos magmeryenda, inilabas ni Aling Rosa ang baraha at inilapag sa mesa. Pina-upo sa harap niya si Adriana at hinawakan ang dalawang kamay. Tinitigan nya ang mga palad ni Adriana at nagsimulang magbasa.
‘Marami kang nadaanang hirap pero matatapos na at luluwag ang buhay mo.’ Nakikinig lang ang dalawa. Nang matapos basahin ang mga kamay ay isinunod sa baraha.
‘Hatiin mo Ma’am ng tatlo.’ Hinati naman ni Adriana.
‘Kamamatay lang ng iyong mga magulang?’ Nagtinginan ang dalawa at tumango si Adriana.
‘Malaki ang problema mo sa pera pero wag kang mag-alala. May tutulong sa iyo.’
‘Ho? Kilala ko ba sya? At paano ko siya makausap?’ Sunod sunod na ang tanong ni Adriana.
‘Dadalo kayo sa isang kasalan at siya ang makapareha mo sa huling sayaw.’
‘Sigurado po ba kayo?’
‘Malinaw na malinaw ang sinasabi ng baraha. Siya na rin ang mapapangasawa mo. Malinaw din dito na maligaya ang pagsasama ninyo. May problema kayo pero maayos din ninyo.’ Muli ay nagkatinginan ang dalawa.
‘Mag-ingat ka sa negosyo dahil may mga tao na gusto kang pabagsakin.’
‘Maraming salamat ho.’
‘Walang anuman.’ Dumukot si Adriana ng 700 pesos sa wallet niya at ibinigay kay Aling Rosa.
Nang umalis ang manghuhula, nag-high five ang magkaibigan.
‘O, anong say mo?’ Pagmamayabang na sabi ni Cindy.
‘Hindi kapanipaniwala. Wala naman akong dadaluhan na kasal.’
‘Baka ung kasal ni Daffne, fren.’
‘Hindi naman ako naimbita.’
‘I can’t believe it. Baka naman may imbitasyon ka pero hindi mo lang nakita. Kung tutuusin, mas close si Daffne sa iyo kaysa sa akin.’
‘Sandali.’ Tumayo siya at pumunta sa salas. Kinuha ang maraming sulat, bumalik siya sa veranda at inisa-isa nilang tiningnan ni Cindy.
‘Bingo! Ito nga o!’ Ipinaypay ni Cindy ang imbitasyon. Kinuha ni Adriana at binuksan.
‘Oh, three months ago pa dumating. Ok, we go to the wedding, musta na rin kaya ang mga classmates natin? Kailan ang kasal?’
‘Day after tomorrow. Today is Thursday.’
‘Oh gosh, wala akong damit.’
‘No problem. Halika, buksan natin ang luggage ko.’
Pinapasok ni Cindy ang dalawang luggage niya sa kwarto ni Adriana at pinauwi ang family driver nila. Binuksan ni Cindy ang dalawa niyang maleta at ma-ingat na inilabas ang laman ng isa. Kumuha siya ng mga hanger sa wardrobe at inihanger ang mga gown.
‘Mamili ka kung anong gusto mong isuot sa Sabado.’ Isa-isang tiningnan ni Adriana ang mga gowns.
‘Wow, ang gaganda. Parang hindi ko bagay isuot mga yan. Mag-slacks na lang kaya ako, doon ako komportable.’
‘Ano ka ba naman pren, ngayon ka nga lang merong pagkakataon na magsuot ng iba sa school uniform at working clothes mo, tanggihan mo pa.’ Kinuha ni Cindy ang isang royal blue na long gown. ‘Ito, try mo ‘to.’ Kinuha ni Adriana at isinuot.
‘Oh wow! Alam mo, nang makita ko ang damit na yan, ikaw talaga ang pumasok sa isip ko. Yan na ang isuot mo.’
‘Yes ma’am.’ Nakangiting pagsang-ayon ni Adriana. Maganda nga naman, parang sadyang natahi para sa kanya. Hapit sa balingkinita nyang katawan at pinalabas ang perpektong korte ng katawan nya.
‘Magkano naman to?’ Tiningnan nya ang tag at napawi ang ngiti nya. Napansin ni Cindy ang malungkot na mukha ni Adriana at inalis ang tag.
‘Wag ka ngang baliw. Isa yan sa mga regalo ko sa iyo. Ito pa ang isa.’
Maingat na hinubad ni Adriana ang asul na damit at isinuot ang hawak ni Cindy na itim.
‘Oh my God! Wala na akong masabi. Ikaw na! Ikaw na ang reyna ng kagandahan.’ Pagpupuri ni Cindy.
‘Fren, hindi ko kayang isuot ito.’
‘At bakit naman?’
‘Grabe o, very daring.’ Hinawakan ni Adriana ang low neckline ng damit, kitang-kita ang mga cleavage niya. Itinuro din nya ang mataas na slit na nagmula sa kaliwang hita niya hangang sa dulo ng damit.
‘Pren, wala na tayo sa panahon ng old testament na hindi makita ang paa, no? Yan ang trend ngayon. Ang sexy mo kaya.’ At ibinulong nya sa sarili, ‘Kung makita ka ni kuya ngayon, tiyak na hilahin ka na para magpakasal.
‘Anong sabi mo?’
‘Wala, ang sabi ko, mainggit lahat ang mga babae pag isinuot mo yan. Pero yung asul ang isuot mo sa kasal.’
‘Ano naman ang isusuot mo?’
Kumuha si Cindy ng isang damit sa isang maleta. ‘Ito ang akin, peach.’
‘Isuot mo nga at tingnan ko.’ Isinuot naman ni Cindy.
‘Anong kulay ang iba?’ Si Adriana na ang naglabas ng ibang damit sa isang maleta at pinaghahanger. ‘Palagay ko, mas ok ito.’
Hinubad ni Cindy ang peach at isinuot ang aqua green na napili ni Adriana.
‘Bongga! Yan na ang isuot mo.’ Tumingin si Cindy sa salamin at nakita niya ang point ni Adriana. Mas maganda nga kaysa sa peach.
‘Okay, done. Sabagay, complementary nga ang damit natin, blue and green. Ngayon sa sapatos naman tayo.’ Naglabas si Cindy ng naka box na sapatos mula sa maleta kung saan nya inilabas ang damit ni Adriana.
‘Hindi ako sigurado kung size forty ka pa rin. Try mo nga ito.’ Kinuha ni Adriana ang box at binuksan. Tumambad sa kanya ang three inches heeled black sandal with glitters. Dalawa lang ang strap ng sandal, isa sa mga daliri ng paa at isa sa ankle.
‘Wow, a work of art.’ Hindi na hinintay ni Adriana na sabihan siyang isuot. Isinuot na niya at maganda ang fit. Tumingin siya sa salamin at namangha.
‘Ako ba ito?’
‘Hindi pren.’ Hinawakan ni Cindy ang kanang kamay ni Adriana at iminarcha sa loob ng kuwarto niya. Huminto sa gitna at .. .”Attention, ladies and gentlemen, presenting to you Miss Adriana Montemayor”, bow na tayo pren at pumapalakpak na ang audience.’
Hindi napigilan ni Adriana ang malakas niyang pagtawa.
‘Baliw ka talaga.’ Nagtawanan silang magkaibigan. Maya-maya hinawakan ni Adriana ang mga kamay ni Cindy. ‘Salamat ng marami fren. Ngayon lang ako nakatawa ng ganito. Mula nang mamatay sina Mommy, wala akong maalalang pagkakataon na nakatawa ako ng ganito.’
‘Yan ang gusto kong sabihin sa iyo fren, mula ngayon, ako na ang dakila mong alalay. Maniwala ka sa sinabi ni Aling Rosa na maaayos na ang problema mo.’
‘I trust in God.’
‘Ganon na rin yon. Bukas, may aayusin ako pero mula Sabado, I’m all yours. We’ll have a fun-filled vacation. Yeheyyy!’
‘Alam mo, napag-usapan namin ni Brian na kapag matanggap namin ang resibu na bayad na ang utang namin sa banko, magbakasyon kami sa Baguio City. Ngayon, mas masaya at nandito ka.’
‘Oh, I love Baguio. I also love Palawan.’
‘Yes, another choice of vacation destination.’ Masiglang sabi ni Adriana. ‘Iligpit na natin ang mga ito. Kailan ka ba babalik sa UK?’
‘I’m here to stay.’
‘Hey, let’s go back to our vodka. You, sneaky mammal, hindi pala kompleto ang kuwento mo.’
‘Teka muna, kulang pa ang outfit natin. Wala pa ang mga borloloy.’
‘That’s the easiest part. Don’t try to side track me again. Let’s return to the vodka.’
Wala nang nagawa si Cindy kundi ikuwento ang hindi niya nasabi kanina.
‘Wala na kami ni Kurt. Just last week, deretso ko siyang tinanong kung may balak ba siyang pakasalan ako. Wala daw sa bokabularyo niya ang kasal pero pwede daw kaming magsama habang buhay. Doon na kami hindi nagka-intidihan kaya minabuti kong iwanan na siya.’
‘Oh, I’m so sorry fren. Bakit hindi ka rin nagpahula kanina?’
‘Ayoko na. Kung ano ang magiging buhay ko, yon na yon.’
‘Well sometimes, it’s nice to allow life to do it’s course and have it surprise us. Musta na rin kaya si Alex. Miss ko rin ang kalog na yon.’
‘Nasa Australia yata. He’s with the Oceana mining corp.’
Tuwang tuwa si Brian ng umuwi kinahapunan at madatnan si Cindy.
‘Wow, tol, nakokompleto na ang tropa.’
Nagbeso-beso ang dalawa at pumasok sa guest room para sa pasalubong ni Brian.
Chapter 5
Maagang pumasok si Adriana kinabukasan sa opisina. Hindi na niya inantay na gumising si Cindy. May sariling lakad ang kaibigan niya. Dumeretso siya sa Makati at sinamahan ng Assistant Manager na nag ocular inspection sa mga subdivisions. Marami silang on-going construction na bahay. Naibenta na ang mga natapos pero karamihan ay installment. Ang mga gustong magcash sa units ay nag-advance payment lang, at ang full payment ay kapag tapos na ang bahay. Kailangan talaga ang malaking pera dito.
Pag-uwi ni Adriana, hinanap niya kaagad si Brian. Papunta siya sa kwarto ni Brian nang makarinig siya ng music at tawanan. Binuksan niya ang pinto, andon na si Cindy.
‘Hey, anong kaguluhan ito?’
Hinila siya agad at pinasayaw. Bukas ang computer ni Bryan at playing ang isang video na sinusundan nila ang steps. Sumabay na rin sya
‘Okay! Kanan, kaliwa, kanan ulit, kaliwa, ikot sa kanan.’
‘Ayan, Kay Adriana ka magpaturo, mas magaling siyang sumayaw.’
‘Alam mo ang steps, ate?’
‘Contest piece namin yan noong intramurals.’
‘Oo nga pala, maalala ko na pero hindi kayo nanalo, kami ang mapalad, siempre mas magaling kami.’ Pagmamayabang ni Bryan.
‘Kasi kulang kami sa practice, laging hindi kompleto ang attendance pag magpractice kami. Ayan tuloy, bagsak kami sa choreography, samantalang kayo, araw-araw kayong nag-practice. Pero teka, bakit kayo sumasayaw?’
‘May send-off ball para sa mga mag-take ng board exam, ito ang napili ng group ko na sayawin.’
‘Brian, nagamit na pala ni Dad ang trust funds natin.’
‘So ano na ngayon?’
‘I’ll find a way.’
‘Trust your ate, ‘tol. She’s a superwoman.’
‘Adriana, Kain na.’ Narinig nila ang pagtawag ni Tita Cely kaya bumaba na sila.
‘Masaya talaga ako at nagbakasyon ka Cindy.’ Sabi ni Tita Cely na hindi maitago ang saya. Kanina ay maagang dumating si Cindy kaya may oras silang nagkuwentuhan bago dumating si Brian. Pagkatapos nilang kumain, pumunta sila sa salas at naglaro ng scrabble. Lately ay hindi sila namamasyal, naglalaro, o ginagawa ang mga bagay na ginagawa nila ng buhay pa ang mga magulang nila. But Life must go on. Starting now.
Ika-anim pa lang ng umaga kinabukasan ay gising na si Adriana. At habang tulog pa sina Cindy at Bryan, pumasok siya sa office sa bahay nila. Binuksan niya ang vault. Siya lang at ang magulang niya ang nakakalam sa vault na nakatago sa likod ng isang bookshelf. Kailangan na niyang sabihin kay Brian. Life is not certain. Kumuha siya ng dalawan-daang libong piso at ang mga gagamitin niyang alahas. Bumalik siya sa kwarto niya at itinago ang ibang pera. Fifty thousand pesos ang budget niyang pang shopping ng mga damit na gagamitin niya sa pamamasyal nila. Tama si Cindy, puro school uniforms at pang office ang mga damit na meron siya ngayon. Three months pa lang ang nakaraan mula nang mamatay ang mga magulang niya pero lagi silang sinasabihan ng Mommy nila na ang buhay ay hindi dapat ibaon sa nakaraan. Panahon na para magkaroon siya ng social life.
Bumaba siya at tinawag sina Tita Wena at Tita Cely.
‘Tita, pakitulongan nga po ako.’ Sumunod sila sa kwarto niya at inilabas lahat ang laman ng wardrobe niya, maliban sa mga damit niyang pang opisina.
‘Kunin niyo lahat yan at paghatian niyo. Yung ayaw niyong gamitin, ibigay niyo sa mga kamag-anak nyo.’
‘Salamat Adriana, pero ano na ang gagamitin mo?’ ani Tita Cely.
‘Bibili po ako ng bago. Gisingin ko si Bryan, pakitulongan din ninyo na linisin ang wardrobe niya. Pakilabas lahat ang mga damit at sapatos niya at paki-assort. Siya na ang mamili kung ano ang ibigay niya at ang gusto pa niyang gamitin.’
‘Ok Adriana.’ Kinuha ng dalawang kasambahay ang mga damit at sapatos at bumaba sila.
Pinuntahan naman ni Adriana si Brian at ginising siya.
‘Gising Brian, at mag-jogging tayo. Sinabihan ko sina Tita na linisin ang wardrobe mo. Tingnan mo mamaya kung ano ang mga hindi mo na gagamitin at ibigay mo sa kanila.’
‘Ok ate.’
Pinuntahan niya si Cindy sa guest room at ginising din.
‘Gising fren, jogging tayo.’
‘Matulog pa ako fren, ang sarap matulog e.’
‘Ayaw mong sumama? Sige, maiwan ka.’
‘Sasama ba si Brian?’
‘Siempre, at pagkatapos mag-jogging, magbreakfast tayo sa resto ni nila lola.’
‘Hintayin niyo ako, eto, babangon na.’ Tumawa si Adriana.
‘Hay…. resto lang pala ni lola ang mabilis na magpagising sa yo.’
‘Ang sarap kaya ng luto niya. Miss na miss ko kaya yon.’
Sumakay silang tatlo sa sasakyan ni Adriana, nagpa-iwan sina Adriana at Cindy sa harap ng United States Embassy kung saan sila magsimula hanggang sa Cultural Center of the Philippines sa Roxas Boulevard. Dinala naman ni Brian ang sasakyan sa resto ng lola nila at nagjoging pabalik. Tapos, sabay na silang magjoging papunta sa resto. Marami nang runners ang nandon nang dumating sila. At halatang bihasa na sa pagtakbo ang karamihan. Dahil ngayon lang ulit sila mag-jogging, sinimulan nila sa paglakad hanggang sa bumilis na rin ng konti ang pagtakbo nila.
‘Bili na lang kaya tayo ng bike.’ Ang suhestiyon ni Cindy.
‘Kung bili tayo ng bike, kailangan din nating bumili ng pick-up car para may paglagyan pag pupunta tayo dito.’ Ani Adriana.
‘Ngek, problema nga pala.’
‘Ibenta ko na lang kaya ang sasakyan ni Mommy at bili ako ng Hi-lux.’ Suggestion naman ni Bryan. Pumalakpak si Cindy.
‘I second the motion ‘tol! Mula kahapon, pangalawa yan na magandang nasabi mo. Anong masabi mo Adriana?’
‘Well, it’s your car now, you can do whatever you want with it.’ Tugon ni Adriana.
‘Tawagan mo na ung friend ni Mommy na gustong bumili.’
‘Hep-hep, not so fast. Tawagan ko muna si Tito RG kung magkano ang pagbenta natin. Kailangan pang dalhin mo muna sa shop para icheck nila. Nakakahiya kung may problema ang sasakyan.’
‘Aha, you’re really a business woman fren.’
‘Natututo ako fren.’
Pagdating nila sa resto, dumeretso sila sa loob at niyakap ang lolo at lola nila.
‘Musta po kayo lo, la?’
‘Malakas pa sa kalabaw, mga apo.’ Tuwang-tuwa ang mga itong nakakita sa kanila.
‘Ikaw ba yan Cindy? Buti nagkita ulit kayo. Ilang beses kang tinanong nitong si Adriana kung nakapunta ka dito. “Kako, wala naman”. Upo kayo.’ Tinawagan nito ang isang waitress at sinabihan na magdala ng pag-kain. Habang kumakain ay kinuwentuhan nila ang matatanda. Pagkatapos nilang kumain, umuwi na sila para maghanda sa dadaluhang kasal.
Habang nasa daan sila, tumawag si Adriana kay Mr. RG.
‘Magandang umaga po Tito. Sorry sa pag-abala. Gusto po ni Brian na ibenta ang sasakyan ni Mommy at bibili ng Hi-lux.’
‘Kailan niyo gustong ibenta?’
‘ASAP po Tito.’
‘Ok dalhin niya ang sasakyan sa shop ngayon at papuntahin mo sa Lunes ang bibili.’
‘Ok po Tito, salamat.’
Pagdating nila sa bahay, nagshower kaagad sila at pumunta sa isang saloon para magpa-shampoo at magpa-ayos ng buhok. Dinala naman ni Bryan sa shop ang sasakyan niya. Inutusan ni Tito RG ang isang mechanic na icheck ang sasakyan. Pagkatapos nilang i-check ay lilinisin at hugasan. Dinala naman ni Mr. RG si Brian sa showroom para mamili ng Hi-lux. Dalawang kulay lang ang available. Pinili ni Brian ang platinum.
Thirty minutes later at exactly two thirty ay nakahanda na sina Adriana at Cindy. Two gorgeous women who are sure to get all the stares and admiration from the male species and jealous stares from the female ones. Maliliit lang na diamond earings na may ternong necklace ang napili ni Adriana na gamitin. Ayaw niyang maging showy. Isa pa, hindi siya sanay gumamit ng mga alahas. Tanging maliit na gintong wristwatch lang ang suot niya araw-araw. Perlas naman ang ginamit ni Cindy. Nakataas ang kanilang buhok na angkop sa style ng kanilang gowns.
Nang bumaba sila sa salas, andon sina Tita Cely at Tita Wena para tingnan ang dalawa. Maluha-luha si Tita Cely nang makita si Adriana.
‘Alam mo hija, para kong nakikita si Ma’am. Ngayon at nakabihis ka ng ganyan, kitang-kita ang pagkahawig ninyong mag-ina.’
‘Oo nga po Tita.’ Dagdag ni Cindy.
‘Ang ganda ninyong dalawa, tiyak na pagkaguluhan kayo ng mga tao don at kung may sayawan, hindi kayo maka-upo.’ Dagdag naman ni Tita Wena.
‘Salamat po mga Tita, alis na po kami.’ Pamamaalam ni Adriana.
Nagsisimula na ang bridal entourage nang dumating sila sa White plains kung saan idinadaos ang misa at reception. Nadatnan nila si Daffne sa pintuan at tuwang-tuwa ng makita sila.
‘Best wishes Daff! My prayers for your happy marriage.’ Pagbati ni Cindy.
‘Wow, you are very beautiful Daff. Congratulations!’ Pagbati naman ni Adriana. Let’s take this opportunity for a picture.’
Cindy brought her cam out and had somebody made some shots.
‘I’m so happy, you both came. Pasensya kayo, hindi ko kayo kinuhang sponsor dahil ang gaganda ninyo. Sigurado ako na kung isa kayo sa mga abay, sa inyo makatingin ang mga tao at hindi sa bride.’
‘It’s ok Daff, but Cindy is right, you are beautiful.’ Naputol ang batian nila dahil ini-announce na ng facilitator ang pagpasok ng bride.
‘See you in a while.’ Humawak na ang bride sa kamay ng kanyang ama at ina at sinimulan nila ang bridal march.
‘Ok, enjoy your moment.’ Ani Adriana.
Pumasok na rin sila at naghanap ng maupuan. Maganda ang ceremony. Masaya ang homily ng pari. Hindi napigilan ni Adriana ang mangarap at malungkot. Kapag dumating ang panahon na ikasal siya, ibang tao na ang mag-maghatid sa kanya sa altar. Ganon pa man, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang imahe, nakikita niya ang sarili niya na nakasuot ng magandang trahe-de-boda at todo ang ngiti dahil hindi maikubli ang kaligayahan. Pinisil niya ang sarili niya. Nananaginip na naman ng gising. Ang tanong, sino naman ang kanyang pakakasalan? Ang isang lalaking minahal niya ng buo ay wala na sa buhay niya. Ang atat na atat naman na pakasalan siya ay hindi niya mahal. Si Zoren yon na bumalik sa panliligaw nang malaman na naghiwalay sila ni Troy. Life is really an irony. Natauhan siya ng tumayo si Cindy para kunan ng picture sina Daffne. Tapos na pala ang misa at nasa punto na sila ng climax ng wedding ceremony.
‘Harry, you may now kiss your in wife in public.’ Pagtatapos ng pari. Nagpalakpakan ang mga tao nang yakapin ni Harry si Daffne at hagkan niya sa bibig.
Habang kinakanta ang final song ay isinagawa na ang pag-picture. Pagkatapos ng picture taking, narining ni Adriana ang pangalan nila ni Cindy. Pumunta sila sa harap kasama ang mga secondary sponsors. Pinaglinya sila na magkakatabi at pinaharap sa altar. May layo sila sa bride ng two meters. Humarap din si Daffne sa altar at ibinato sa likod niya ang kanyang bouquet. Tumama kay Adriana at wala itong nagawa kundi saluhin ang bouquet. Nagpalakpakan ang mga tao. Hindi makapaniwala si Adriana. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkamangha.
‘Now, we have a next bride.’ Malakas na sabi ng facilitator.
‘OMG fren, magiging Maid of Honor na ako sa nalalapit na panahon.’ Hinila ni Cindy si Adriana at ini-waltz sa harap ng altar.
‘Tumahimik ka nga!’ Pagpapahinto ni Adriana kay Cindy. Hiyang-hiya siya dahil sa kanila nakatingin ang mga tao. Hinila niya si Cindy at hinanap kung saan sila uupo. Hindi pa rin maalis ang excitement ni Cindy doon sa pagsalo ni Adriana sa bouquet.
Hinila ni Adriana si Cindy at hinanap ang lamesa nan a-asign sa kanila. Nang maka-upo sila, may tumayo sa isang lamesa at lumapit sa kanila.
‘Hello Adriana, I’m happy to see you again. Hello Cindy, long time no see.’ Sabay silang napalingon sa nagsalita. Tumango lang siya at nakipagkuwentuhan sa katabi niya na batch nila sa college at hinayaan niya si Cindy na makipag-usap kay Zoren.
‘Hello Zoren, it’s nice to see you.’ Sagot ni Cindy.
‘Did you leave the country? I haven’t seen you for a while.’
‘Yeah, I went to London. I just got back.’
‘Pwede ko ba kayong maimbitahan ni Adriana for dinner tomorrow?’ Tiningnan ni Cindy si Adriana pero masinsinan ang pag-uusap nila sa katabi.
‘Pag-usapan na lang namin ni Adriana.’
‘Ok, I’ll wait for your call.’ Dumukot si Zoren ng calling card nya at ini-abot kay Cindy. Kinuha ni Cindy at inilagay sa purse nya.
Kinuha ni Adriana ang baso na may wine at magpropose sana ng toast para kay Daffne nang magsalita ang MC.
‘Ok everybody, hold your glasses and let’s welcome the Bride and the groom with a toast. Cheers for their happy marriage.’ Everybody lifted their glasses, clinked with those near them and drank. Dumating na ang bagong kasal. Nakapag-palit na si Daffne ng damit. Cream ang damit niya ngayon na kahawig ng wedding gown niya. Wala lang ang lace at train ng damit.
Inisa-isa ng bagong kasal na pinuntahan ang bawat lamesa para magpasalamat. Nagsimula na rin ang kainan. Nang may mga natapos kumain, nagpatugtog ang DJ ng mga musika na pangsayaw at nagsayawan ang iba. Sa lamesa nila Adriana, dahil popular sila ni Cindy noong kolehyo sila, hindi maubos ang pumupunta para mangumusta at i-congratulate si Adriana sa pag-top ng board. Pati ang mga ilan sa mga instructor nila na kinuhang ninong at ninang ni Daffne ay lumapit din at nakipag kumustahan. Hindi nila namalayan, alas-dies na pala. Magsasara na ang venue kaya ini-announce ng MC na huling sayaw na ang mapatugtog at inanyayahan niya ang lahat na tumayo at sumayaw. Nang magsimula ang tugtog, nasulyapan ni Adriana na tumayo si Zoren at papunta sa kanila. Mabilis niyang kinuha ang purse nya at tumayo.
‘Sa toilet.’ Sabi niya kay Cindy at mabilis na umalis pero nang pupunta sana sa toilet, nakita niya ang exit kaya yon ang tinungo nya. Sinundan lang niya ang hall hangang makarating sa isang pinto. Nakita siya ng guwardya at binuksan ang pinto. Paglabas niya ay isang magandang hardin ang bumungad sa kanya. Sa gitna ay isang fountain, pumunta siya doon at tumayo sa gilid. Nagpapasalamat siya at naiwasan niya si Zoren. Oh, Dios ko, kung totoo man ang hula, salamat at iniligtas mo ako sa isang kasal na tiyak kong hindi masaya. Tahimik at payapa niyang ninamnam ang preskong hangin habang minamasdan ang pagdaloy ng tubig sa fountain na may munting colored lights. Naririning pa rin niya ang music na nanggagaling sa loob. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at ikinumpas sa musika.
‘Pwede ko bang isayaw ang magandang binibini?’
‘Ay!’ Bigla syang huminto dahil nagulat siya at may lalaking nagsalita sa tabi nya.
‘’Wag kang matakot, hindi ako masamang tao.’
Tiningnan ni Adriana pero dahil malayo ang ilaw sa kinaroroonan nila at nasa likuran pa, hindi nya masyadong makita ang mukha ng lalaki. Hindi rin maliwanag ang mga ilaw ng fountain kaya hindi talaga niya mamukhaan ang lalaki.
‘Sino ka?’
‘Sa ibang pagkakataon ko na lang sabihin kung sino ako. Maganda ang musika pero patapos na, sana hindi mo ipagkait sa akin na makasayaw ang isang mala-anghel na tulad mo.’ Nagsusumamo ang boses ng lalaki. Surprizingly, hindi naman siya takot. Pakiramdam niya ay walang masamang mangyari sa kanya. Nahabag naman siya kaya inilapag ang kanyang purse at humarap sa lalaki. What the heck. Pagwawalang -bahala niya. Just for this moment. Kinuha ng lalaki ang mga kamay ni Adriana at inilagay sa leeg niya. At humawak siya sa baywang ni Adriana. Pakiramdam ni Adriana ay parang matagal silang magkakilala. Ilang saglit pa, parang nag-usap ang mga katawan nila dahil basta na lang sabay na gumalaw pakaliwa, tapos kanan, pakaliwa. Ganon lang ang sayaw nila, katawan lang nila pareho ang gumagalaw hindi ang kanilang mga paa. Ang sarap ng pakiramdam niya, payapa at parang secured siya sa pagkahawak sa kanya ng lalaki. Hindi maalis sa pakiramdam niya na parang pamiliar sa kanya ang lalaki. Pero mamaya na ang pag-analisa. Just for this stolen moment, enjoy.
Nagulantang
na lang siya nang makarining ng mga umaandar at bumubusinang sasakyan. Bigla niyang
binitiwan ang lalaki, kinuha ang kanyang purse at mabilis na umalis.
‘Adriana?’ Narinig niya ang pagtawag ng lalaki sa pangalan niya. Napahinto siya
at lumingon.
‘Kilala mo ako?’ Hindi sumagot ang lalaki kaya nagpatuloy siyang naglakad. Nasa pintuan siya ng tumunog ang telepono niya.
‘Ay salamat, bruha ka, saan ka ba nasuot?’ Galit ang boses ni Cindy.
‘Sorry, pupunta na ako sa sasakyan.’
Pagdating niya sa sasakyan ay niyakap agad nng kaibigan.
‘My God fren, pinag-alala mo ako. Ano bang nagyari sa iyo? Bakit bigla ka na lang umalis? At hindi mo agad nasagot ang tawag ko.’ Galit pa rin si Cindy.
‘Sorry talaga fren. Nang i-announce ng MC ang huling sayaw, nakita ko si Zoren na tumayo at papunta sa lamesa natin. Sinigurado ko na hindi ako ang isayaw niya kaya naisipan kong magtago sa toilet. Takot kaya ako sa hula. Kaya lang naligaw ako, exit pala ang pinasok ko. Napunta tuloy ako sa likod, may magandang hardin doon na may fountain. Naaliw ako kaya hindi ko narinig ang tawag mo.’ Ramdam pa rin niya ang mainit na hawak ng lalaking nakasayaw niya pero hindi muna niya sasabihin kay Cindy.
Sumakay na sila at umuwi.
‘Alam mo, gutom ako.’ Ani Cindy.
‘Ako rin.’ Dagdag ni Adriana. ‘Kung may madaanan tayong jolibee o Mcdo, mag-drive through tayo.’
Gising pa si Brian ng dumating sila sa bahay. Lumabas na rin si Tita Cely at inayos ang pagkain nila.
‘Hindi ba masarap ang pagkain sa kasalan? Bakit gutom na gutom kayong umuwi?’ Ani Brian na nakikain na rin. Gustong gusto niya ang potato fries.
‘Ewan ko, wala akong natikman.’ Ani Adriana.
‘Paano kami makakain, lahat yata ng nandon ay pumunta sa lamesa namin at kinamayan si Adriana. Then as usual, ako ang taga entertain sa iba.’
Natawa si Brian sa kunwaring pagmamaktol ni Cindy.
‘Pagkatapos, jolibee lang ang bayad mo? Mahal kaya ang bayad ng PA cum entertainer’
‘Sinabi mo, pero lahat nang yon, naka-in sa internal memory ko. Darating ang panahon, singilin ko ang ate mo.’
‘Ano naman ang PA, Brian?’
‘Pobreng Alalay po Tita.’ Natatawang sagot ni Cindy. Tumawa na rin ang iba.
‘Personal Assistant. Tita, ang tama.’ Ani Brian.
‘Dahan-dahan sa pagkain fren, baka mabulunan ka.’ Natatawang sabi ni Adriana. ‘Atleast, hindi Palaging Abonado.’ Tinitigan ni Cindy ang kaibigan niya.
‘Alam mo fren, may ningning sa yung mga mata na ngayon ko lang nakita. May milagro bang nangyari sa hardin na yon?’
‘Wow, garden party ba ang reception ng kasal?’ Pag-uusyoso ni Bryan.
‘Hindi, pero naligaw ang ate mo, imbes na pupunta sa toilet, nakalabas ng building at napadpad sa hardin.’
Ngumiti lang si Adriana. Magkatagpo pa kaya ang landas nila ng lalaking yon?
‘Matulog na tayo, palagay ko Brian, may kakaibang nangyari sa hardin pero sa ngayon, wala tayong makuhang istorya sa mahal nating prinsesa.’
Chapter 6
May ginagawang repairs at renovation sa ship nila Troy kaya nag-bakasyon lahat ang crew. Pupunta sana siya sa London at bisitahin ang mga magulang at mga kapatid niya pero nalaman niya na umuwi pala si Cindy kaya dumeretso na siya sa Pilipinas. Wala rin si Cindy sa bahay ng dumating siya at nalaman na may dadaluhan silang kasal ni Adriana. Ang hirap talagang mahagilap ang babaeng yon. Tinawagan niya si Brian at nalaman ang tungkol sa kasal. Pumunta siya sa venue pero dahil wala siyang imbitasyon, hindi siya makapasok. Nag-antay na lang siya sa labas. Nakita niya ang pagdating nila Cindy at Adriana. At tulad ng dati, naging speechless siya nang makita niya si Adriana. Lalo itong gumanda, naging elegante at sopistikada. Hindi rin naman nagpatalo ang kagandahan ng kapatid niya kaya, hindi kataka-taka na noong nasa kolehyo sila ay lagi silang nanonominate para maging cheerleader, muse, at contestant sa beauty pageants pero sadyang wala silang kahilig-hilig sa mga ganon. Pinuno niya ang kanyang mata at kalamnan sa mahalimuyak na ganda ni Adriana.
Nang pumasok ang dalawa sa loob, umalis si Troy at pumunta sa Manila Bay. Umupo siya sa isang banko at pinanood ang sunset. Ang ganda ng sunset lalo na at summer kaya malinis ang langit. Wala ang mga ulap na nangungubli ng liwanag ng araw. Lumubog na ang araw ay nakaupo pa rin siya. Puno ng tanong at panghihinayang ang kanyang puso at isip. Kung may boyfriend na si Adriana ngayon ay kasalanan niya.
Nang makita niya si Adriana he felt that he finaly came home. Pero ngayon, nararamdaman na naman niya ang sobrang kalungkutan. Just a while ago, he had the taste of pure happiness. But now, it’s gone. Oh Adriana! Yumuko Siya at hinayaang tumulo ang luha niya. Ang laki kong tanga! Gusto niyang sumigaw para pakawalan ang bigat sa dibdib niya pero nasa maling lugal siya. But he still believes that what happened is just a joke that fate has played on him.
Bumalik sa ala-ala niya ang unang pagkita nila ni Adriana sa Shakey’s. Mahigit limang taon na ang nakaraan. Pumunta sila ni Alex sa Robinson’s Galeria noon. Nadaanan nila sa shakey’s ang kapatid na may kasamang kumakain. Hindi niya nakita ang mukha ni Adriana dahil nakayuko ito sa pagkain niya. Ang nasa isip niya ay lokohin ang kapatid. Kaya mabilis siyang dumampot ng pagkain ni Cindy at umalis pero mas mabilis kumilos si Adriana. Natulala talaga siya ng mapagmasdan ang mala-anghel na mukha ni Adriana. Para siyang nabulunan. Ilang beses siyang lumunok bago naka-pagsalita. Totoo pala ang laging sinasabi ni Cindy na maganda ang kaibigan niya pero wala siyang interest na makilala si Adriana dahil nililigawan niya si Liza, ang cheerleader ng basketball team nila. Half Chinese si Liza kaya makinis ang kutis. Matangkad at balingkinitan din ang katawan. Pero ayaw ni Cindy sa kanya. Lagi nitong sinasabi na mas maganda ang kaibigan niya.
At nang makita niya si Adriana, naniwala siya sa sinabi ni Cindy. Si Adriana ang pinaka magandang babae na nakita niya. Kinagabihan nang umuwi sila ni Cindy. Pinuntahan niya ang kapatid sa kwarto nito at nagtanong nang nagtanong tungkol kay Adriana.
‘Hmm… mukhang malakas ang tama ng kuya ko don sa kaibigan ko, ah.’
‘Magustuhan kaya ako ni Adriana sis?’
‘Akong bahala sa iyo kuya, ang gawin mo lang ay ihinto ang pagligaw kay Liza. Matinong tao ang kaibigan ko pero napaka-istrikto at seryoso. May pagka kalog din pero depende sa sitwasyon.’
‘Paano ko naman siya ligawan?’
‘Ano? Wag mong sabihin kuya naging bobo ka na ngayon.’
‘Hindi naman. Ang ibig kong sabihin, paano ako mapalapit sa kanya?’
‘Kuya, kaibigan ko siya. Hindi problema yan.’
‘Ok fine, anything you say.’
Mula noon, iniwasan na niya si Liza. Pati tawag nito, hindi na niya sinasagot.
Samantala, tinupad naman ni Cindy ang usapan nilang magkapatid. Lahat ng lakad nila ni Adriana ay sinasabi niya kay Troy, at kapag nagkakatagpo sila, ini-iwan niya sila. Naging maingat si Troy, ayaw niyang madaliin at baka matakot ang isa at umayaw. Hanggang isang araw, nagbunga ang lahat at naging girlfriend na niya si Adriana. Ang saya nila noon, inspired siya sa pag-aaral. Lahat ng plano niya sa buhay ay kasama si Adriana kaya malaking dagok sa pagkatao niya ng maghiwalay sila dahil sa kagagawan niya.
‘Sampaguita po!’ Natauhan siya sa boses ng isang bata.
Huminto sa harapan niya ang isang batang nagtitinda ng sampaguita. Dumukot siya ng isan daang piso at ibinigay sa bata. Iniabot sa kanya ang maraming sampaguita pero kinuha lang niya ang isa. Tumayo siya at tinungo ang sasakyan niya. Pinaandar at pumunta sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila. Pumasok siya at inilagay ang sampaguita sa paanan ng Holy Trinity. Dumarami ang tao sa loob. Sabado pala ngayon at maya-maya ay may misa. Pumunta siya sa isang sulok at sa kauna-unahang pagkakataon ay taimtim siyang nanalangin.
‘Dios ko, patawarin niyo po ako, kung ngayon lang na meron akong mabigat na problema, pumunta sa bahay mo. Alam ko po marami akong pagkukulang, marami akong hindi nagawa, at marami rin akong nagawang kasalanan. Sana po ay patawarin niyo ako. Isa lang po ang hihilingin ko, na sana po ay patawarin ako ni Adriana at magkabalikan kami.
Salamat po sa lahat ng biyayang ipinagkaloob mo sa akin at sa aking pamilya. Ganon din ang pagpatnubay ninyo kina Adriana. Salamat po. Amen’
Nang matapos siyang manalangin, naramdaman niyang gumaan ang loob niya. At sumigla ang pakiramdam niya. Lumabas siya ng simbahan at nagpalakad-lakad sa parko. Nakaramdam siya ng gutom pero wala siyang ganang kumain. Tiningnan niya ang oras. Mag aalas nuebe na. Siguro matatapos na ang reception. Baka magpahatid si Cindy sa bahay nila. Kailangang kausapin niya ito bago matulog.
Mabilis niyang tinungo ang sasakyan niya at pinaandar pero imbes na uuwi sya, namalayan na lang niya na sa reception ng kasal siya pumunta.
‘Shit.’ Napamura tuloy siya. Nakita niya, marami pang sasakyan sa labas at naririnig pa niya ang musika. Ipinark niya ang sasakyan at lumabas. Nagpalakad-lakad sa labas ng building hanggang mapadpad siya sa hardin. Babalik sana siya sa sasakyan at narining niya ang pag-announce ng last dance pero nakita niya si Adriana na lumabas at pumunta sa fountain. Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na mapalapit sa kanya. Kaya lang, nawalan siya ng lakas ng loob na magpakilala. Ang totoo, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at ano ang sasabihin niya. Pinanood na lang niya ulit si Adriana. He was amused when Adriana raised her hands and started dancing. Parang may nagtulak sa kanya na lumapit dito at namalayan na lang niya na nasa likod siya ni Adriana.
‘Ehemm, excuse me beautiful lady, pwede ko bang isayaw ang napakagandang anghel?’
Biglang napahinto si Adriana sa pagsasayaw at kinilabutan sya. That voice! Hindi sya maaring magkamali. Iisa lang ang may-ari ng baritonong boses na yon. Pero imposible, nag-hahalucinate na naman siya.
‘Miss?’ Naalimpungatan si Adriana sa pagtatanong ng lalaki. Lumingon siya at tiningnan ang nagsalita pero dahil madilim at ang ilaw sa pinto ng gusali ay nasa bandang likod ng lalaki, hindi niya mabanaagan ang mukha nito. ‘Miss natatapos na ang musika.’ Pagsusumamo ng lalaki. Oh what the heck. inilapag ni Adriana ang kanyang purse at ini-alay ang kamay niya. Kinuha ng lalaki ang dalawa niyang kamay at inilagay sa kanyang leeg, saka nito inilagay ang mga kamay niya sa baywang ni Adriana. Hindi tumutol si Adriana ng makabig siya at maglapat ang kanilang mga katawan.
Troy was enveloped with the most glorious feeling at that moment. Pero katulad ng kuwento ng isang prinsipe na iniwan ni Cinderela, bigla din syang iniwan ni Adriana. Nasira ang langit na yon ng tumunog ang telepono ni Adriana. Biglang natauhan si Adriana, kinuha niya ang kanyang purse at patakbong tinungo ang sasakyan niya. Naiwan si Troy at bumalik na naman sa kanya ang feeling of emptiness.
Gayon pa man, nagpapasalamat siya dahil alam na alam na niya kung ano si Adriana sa buhay niya. At buo na ang kanyang loob na suyuin muli ito hanggang sila ulit. Nang umalis si Adriana, umupo si Troy sa gilid ng fountain. Ramdam pa rin niya ang malambot na katawan ni Adriana. Gustong-gusto niyang yakapin ng mahigpit at halikan kanina pero isang malaking pagkakamali kung nagawa niya yon. Sana ay hindi pa huli ang lahat. Ibang-iba talaga si Adriana sa lahat ng mga babae na naka-ugnayan niya. Tumunog ang kanyang telepono. Inilabas niya at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Leslie, ang kasalukuyan niyang ‘girlfriend’. Hinayaan niyang tumunog. Wala siyang ganang sagutin. Sa lahat ng naging girlfriend niya, itong si Leslie ang agresibu. She cannot accept no for an answer. Ilang beses niyang sinabihan ito na walang patutunguhan ang kanilang relasyon kaya nararapat na maghiwalay sila pero sige pa rin si Leslie sa pagdikit sa kanya. Isang Filipino-American si Leslie. Isang spoiled brat na heredero kaya nagagawa niya lahat ang gusto niya.
Nakilala niya si Leslie sa isang party na idinaos sa cruise ship. Pasahero noon si Leslie. Lahat ng crew ay nag-attend at ayon sa mga kasama ni Troy, swerte daw niya dahil siya ang nagustuhan ng mayaman at magandang si Leslie. Pero para kay Troy, malas at siya ang nagustuhan. Eto tuloy, laging ginugulo. Tumunog ulit ang telepono niya. Nang tiningnan niya na si Leslie ulit ang tumatawag, ibinulsa niya at hinayaang tumunog ng tumunog. Tumayo na siya at pumunta sa sasakyan niya. Nakita niya ang pag-alis nila Adriana. Sinundan niya sila. Nang makauwi sila kina Adriana at hindi lumabas si Cindy, nangangahulugan na hindi uuwi at doon ulit matulog. Kaya umuwi na lang siya. Bukas, patawagin niya si Manang at pauwiin si Cindy. Magpapatulong siya sa kapatid niya. Alam niya, magagalit si Cindy sa kanya pero tiisin na lang niya. Kaya niyang tiisin ang lahat magkabalikan lang sila ni Adriana at magkaroon ng kahulugan ang buhay niya.
Pagdating ni Troy sa bahay nila, kumuha ng vodka at ice water. Pumunta sa terrace at uminom na mag-isa. Balisa siya kaya hindi makatulog. Pumasok siya sa kuwarto niya at kinuha ang nakita niya kanina na maraming envelopes na nakapatong sa computer table. Binuksan niya ang ilaw sa terrace at inisa-isa niyang tiningnan ang mga sulat. May isang envelope na napansin niyang sulat kamay ni Adriana. Binuksan niya agad pero ang date ay noong pumunta sila sa PMMA. Siguro kinuha ni Cindy at inilagay dito.
Tumulo na naman ang luha niya. Luha ng galit sa sarili; luha ng awa kay Adriana. Nasaktan niya ang babaeng nagmahal sa kanya. Linagyan niya ng baso ng alak at tinungga. Pansamantala, nakalimutan niya ang bigat na nararamdaman. Tiningnan niya ang ibang sulat. May mga imbitasyon sa iba’t ibang okasyon, kasal, binyag, business openings, at iba pa. Tumunog na naman ang mobile phone niya. Tiningnan nya, si Leslie na naman. Pinindot na niya at sinagot. Narinig niya ang galit na boses ni Leslie.
‘Leave me alone, ok?’ Galit niyang sinagot sabay isinara. Maya-maya, tumunog na naman. Si Leslie ulit ang tumatawag.
‘Shit! Pesteng babaeng yon!’ Napamura ulit siya at sinagot niya nang malakas at galit na boses.
‘LEAVE ME ALONE, YOU UNDERSTAND? LEAVE . . ME . . ALONE!’ At inilagay na niya sa silent mode. Hindi kasi niya pwedeng i-shut off dahil may mga business siya kaya kailangang open lagi ang komunikasyon niya sa mga namamahala ng mga yon. Gabi sa Pilipinas pero araw sa US at bukas ang mga business doon. Siguro, kung wala si Adriana sa buhay niya ay pwede niyang mahalin si Leslie. Malambing din naman ito, spoiled brat nga lang and one who does not take no for an answer. She does everything to get what she wants. Except Troy kaya naging challenge kay Leslie si Troy.
Nabili niya ang isang pagawaan ng bangka na pag-aari ng tatay ni Rex. Isang engineer din si Rex na empleyado sa barko. Namatay ang tatay nito at wala nang mamahala sa business. Ayaw ipagpatuloy ni Rex kaya, nagdesisyon ito na ibenta na lang. Ikinuwento niya kay Troy at naging interesado si Troy. Wala namang balak si Troy na manirahan sa US pero nanghinayang siya sa business ng ama ni Rex. May pera naman siya. Kung sakali at hindi na niya makayanan ang pamamahala, ibebenta rin niya.
Hindi kasi siya ang tao na waldas. Lahat ng sahod niya ay pinamuhunan niya sa mga business na meron siya ngayon. Sarili niyang business ang mga yon. Bukod sa business ng pamilya niya na may share din siya sa kita.
Wala siyang problema sa pera. Maayos ang takbo ng mga sarili niyang negosyo. May share pa siya sa kita of course sa family business nilang banking at ang cruise line. Hindi rin niya ginalaw ang kanyang trust fund. Kaya handang-handa siyang mag-asawa. Kahit hindi magtrabaho ang mapangasawa niya ay hindi sila magkukulang sa gastos. Mabuhay sila ng masagana.
Kinuha niya ang mga sulat at pumasok na sa kwarto niya. Pag-uwi ni Cindy bukas, magpatulong ulit siya kung paano siya mapalapit kay Adriana. Salamat na lang at umuwi ang kapatid niya, ang lifeline niya sa lovelife. Pagpasok sa kwarto niya, binuksan niya ang luggage at inilabas ang mga naipon na binili niyang regalo para kina Adriana at Cindy. Sa lahat ng bansang pinuntahan niya, meron at meron siyang binili para sa dalawa. Hindi niya maintindihan na kahit hindi sila nag-uusap ni Adriana, sa puso niya ay siya pa rin ang mahal niya kaya tuwing makakita ng mga magagandang bagay ay si Adriana kaagad ang naisip niyang bilhan. Bumibili na rin ng para kay Cindy. Maingat niyang inilapag lahat sa lamesa. Inihiwalay na niya ang para kay Adriana. Nakipagrelasyon siya sa ibang babae para makalimutan si Adriana pero lagi din siyang nakipaghiwalay dahil hindi niya sila kayang mahalin. Si Adriana pa rin ang nasa puso niya. Nararamdaman na niya ang epekto ng vodka kaya nagshower na at natulog.
Chapter 7
Gaya nang nakasanayan ni Adriana, ala sais ng umaga ay gising na siya. Nagpasalamat sa Dios at maganda ang tulog niya. Binuksan niya ang mobile phone at tiningnan kung may mga messages na importante. ‘Ay salamat, wala.’ Naligo na at nagbihis.
‘Gising na mga ka-tropa.’ Kinalampag niya ang pintuan nila Bryan at Cindy. ‘Bangon na at magsimba tayo. At pagkatapos ay samahan ninyo akong mag-waldas ng pera sa mall.’ Kinalampag ulit niya ang mga pinto bago bumaba. ‘Sumunod na kayo at mag-almusal tayo.’
Habang hinihintay niya sina Bryan at Cindy, binasa niya ang newspaper. Paminsan-minsan lang siya magbasa ng newspaper. At kahit hindi nababasa, patuloy pa rin ang pagdeliver sa bahay nila. Itinuloy-tuloy ni Adriana ang subscription dahil naka-advertise ang mga business nila. Nasa Lifestyle section ang kasal ni Daffne.
‘Oh My Gosh! Fren!’ Sinigawan niya si Cindy. ‘Dali, baba na, tingnan mo ‘to.’ Nang bumaba si Cindy, ibinigay ni Adriana ang newspaper. ‘Buksan mo sa Lifestyle.’
Tumawa ng malakas si Cindy nang bumulaga sa kanya ang malaking litrato ni Adriana na hawak ang bouquet ni Daffne. Katabi n’on ay ang picture ng bride and groom at sa ibaba ay ang picture nilang tatlo sa entrance ng simbahan.
‘Nabasa mo ang caption?’ ani Cindy.
‘Hindi pa.’
‘Basahin mo ah.’
‘’Wag na. Mabahala pa ang nananahimik kong utak.’
‘Anong kaguluhan ito?’
‘Your turn Brian, buksan mo sa Lifestyle.’ Ipinasa na rin ni Cindy ang newspaper kay Bryan.
‘Whoa! Your initiation to the social columns! Tell me tomorrow if I’m wrong. There will be a follow-up article on both of you. The newshounds are now after you my gorgeous sisters. I bet my life on it. Yesterday, you were unknown lovely faces, but last night, I’m sure, they interviewed a lot of the people who approached your table.’
‘My goodness, that’s what I’m afraid of. I don’t like the press to dig my life and broadcast it to the world.’
‘Oh, I love this. I hope the TV people will also get their cameras on us. I will be soooo… thrilled when it happens.’ Cindy cannot hide the excitement in her voice.
‘You’re crazy! Totally crazy. Let’s go to eat. Gutom mo lang yan.’
‘Halina kayo mga bata. Pero ano ung nasa newspaper at sari-saring reaction ang nasa mukha ninyo? May malunkot, may nanunukso, at may tuwang-tuwa.
‘Tingnan po ninyo Tita ang nasa newspaper.’ Kinuha ni Cindy at ibinigay kay Tita Cely.
‘Wow, nahuli din kayo! Tita Wena! Halika dito.’ Nagmamadali namang pumunta sa salas ang isa at tiningnan ang nasa newspaper.
‘Hindi ako nagtataka kung bakit pinag-interesan kayo. Ang ganda ninyo kaya. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi kayo kinuhang abay ng kaibigan ninyong ikinasal.’ Sabi ni Tita Wena.
‘Kasi daw po Tita, sigurado daw na sa amin ang atensyon ng mga tao at hindi sa bride.’ Tugon ni Cindy.
‘Good thinking.’
‘Naks! Naka-english si Tita.’ Natutuwang sabi ni Adriana.
‘Sinasabayan ko lang kayo.’ Nakangiting sagot ni Tita Cely. ‘Totoo ang sinabi ng kaibigan n’yo. Tingnan n’yo ang picture ninyong tatlo. Kitang kita ang ikinatatakot niya.’
‘Tama, pero mamaya na muna yan at lumalamig na ang pagkain, hindi na masarap ‘pag lumamig.’ Sunod sunod na silang pumunta sa dining room para kumain.
‘Saan tayo magsimba ngayon?’ Tanong ni Tita Wena. Naka-ugalian na nila na sama-samang nag-sisimba ‘pag Sunday.
‘Ang sarap naman ng samahan ninyo. Sana ganon din ang mga kasama ko sa bahay.’ Ani Cindy.
‘Mula ng magsimula kaming magtrabaho dito, patakaran na ni Ma’am yon, na sama-sama kaming magsimba. Wala pa kayo Adriana at Bryan ay ganito na ang ginagawa namin. Pagkatapos ng simba ay namamasyal at kumain sa labas. At pag-uwi namin, lahat ay magpahinga. Hapunan na lang ang inihahanda namin. Yon lang ang trabaho namin ‘pag Sunday.’ Pagpapaliwanag ni Tita Cely.
‘Ang bait talaga sina Sir at Ma’am kaya hindi kami umaalis dito. At sana, dito na kami tatanda.’ Dagdag ni Tita Wena at tumingin kay Adriana ang dalawang kasambahay.
‘Don’t worry, mga Tita. Nasa last will and testament po ng mga magulang namin na dito kayo hangga’t gusto n’yo. Inilagay ko na rin sa aking last will and testament.’
‘Maraming salamat hija. Ngayon, payapa na ang loob namin.’
‘Meron ka na n’on fren? Nakakatakot kaya gumawa ng last will.’
‘Oo fren. Nagpagawa na ako. Malaking aral ang nangyari kina Mommy at Daddy.’
‘Sabagay nga fren.’
‘Saan tayo pagkatapos?’ Si Brian ulit.
‘Sa Diamond J Mall.’ Sabay na sumagot ang dalawa.
‘Ala eyyy, magkarugtong baga ang utak n’yong dalawa.’ Ginaya ni Tita Cely ang accent ng mga taga Batangas at nagtawanan sila.
Sa Edsa Shrine na sila nagsimba at pagkatapos ng misa, pumunta nga sila sa mall. Aligaga ang mga nagratrabaho doon nang makita nila sina Adriana at Brian.
‘Ok lang kami, mamimili kami ng mga damit.’ Paliwanag ni Adriana ng salubungin agad sila ng manager.
‘Ok Adriana, magpa-assist na lang kayo kung may kailangan kayo.’
Nang umalis ang manager, sinabihan niya sina Tita Cely na mamili na rin ng kailangan nila at magtatagpo sila sa kainan sa third floor pagkatapos.
Kumuha agad si Adriana ng apat na skinny jeans na iba’t -bang kulay at pumunta sa trying room para suotin. Kumuha din si Cindy ng ibang style at sinundan si Adriana. Pumasok sa kinaroroonan ni Adriana at tiningnan ang kaibigan.
‘Ok yang dalawa. Palitan mo ang dalawa. Subukan mo ito.’
Tiningnan ni Adriana ang hawak ni Cindy na straight cut.
‘I’m not sure I like to wear that.’
‘Try mo lang.’
Sinuot naman ni Adriana at tiningnan ang sarili sa salamin.
‘Kita mo, sabi na’t bagay mo eh.’
‘Ok, kuha ka pa ng isa. Ang hindi naman stone wash.’
‘Yes, your honor.’ At mabilis na kumuha si Cindy. Isinukat naman ni Adriana.
‘Tama na muna ang mga ‘to. Sa blouse at t-shirts naman tayo. Asan na si Bryan?’
‘Nasa men’s section siguro. Hindi naman niya masuot ang mapili niya dito, ‘no?’
‘Salamat sa Dios, hindi.’
Doon sila natagalan sa pang-itaas at sa mga long and short dresses. Pagkatapos doon ay sa lingeries naman at sa footwear.
‘Buti na lang kompleto kayo dito, and you offer a wide range of selections. Hindi na kailangang pumunta sa iba pang establishments.’
‘Yeap, katatapos lang ng facelift nitong mall a month ago, isang buwan ang ginugol ko dito. Maganda naman ang design ni Mommy pero medyo malito ng konti ang mga mamimili. Kaya inupuan namin ni manager ng isang araw. Isang linggong nakasara ang floor na to habang inayos namin ang display. Ganon din ang ginawa ko sa first and third floor. Buti na lang, mabilis ang cash flow dito at naibalik kaagad ang ginastos namin sa pag re-design.’
‘Bilib na bilib na talaga ako sa ‘yo pren. Wala na akong masabi.’
‘Sobrang pagod ko noon. Hinalughog ko lahat ang mga stores ng damit. Ako mismo ang namili ng mga brand at styles ng mga damit, at nakipag-usap sa mga suppliers. But it’s all worth it.’
‘You know, you gave me an idea. I like to establish my own shop.’
‘Sure, mi amiga. You have my assistance when you start.’
‘Can I take a photo of the lay-out.’
‘Go ahead.’
Inilabas ni Cindy ang kanyang phone at nang buksan niya, nakita niya ang maraming miscall.
‘Oh gosh! Daming miscalls.’ Tinawagan niya ang number sa bahay nila at sumagot ang isang kasambahay.
‘Hello manang, ngayon ko lang nabuksan ang phone ko. Naka-silent kaya di ko narinig. May problema ba?’
‘Meron Ma’am pero mahirap sabihin sa telepono. Pwede bang umuwi ka muna?’
‘Ok Manang, salamat.’
‘May problema sa inyo?’ Tanong ni Adriana sa kaibigan.
‘Meron daw, pero ayaw namang sabihin. Pina-uuwi ako.’
‘Ok, tena muna sa taas at mananghalian na tayo.’
Nasa kainan na ang apat nang umakyat ang magkaibigan.
‘Nag-order na ba kayo?’
‘Opo ate, tatlong magkaka-ibang dishes ang inorder ko. Mamili na kayo kung anong gusto n’yo.’
‘Fren, uuwi muna ako at doon na ako sa bahay matulog, then punta ulit ako sa bahay n’yo bukas ng hapon at pag-usapan natin ang ating bakasyon.’
‘Ok fren.’
Pagkatapos nilang kumain ay umuwi na si Cindy. Umuwi na rin sina Adriana.
Chapter 8
Nang dumating si Cindy sa bahay nila, nakaharang ang sasakyan ng kuya niya sa garahe. Nagtaka siya pero wala sa isip na umuwi ang kuya niya. Siguro ay inilabas lang ng driver nila at pinatakbo para hindi masira. Pumasok siya sa loob at hinanap si Manang. Nasa kusina sila.
‘Anong problema Manang.’
‘Andon po sa kwarto ng kuya mo.’
Umakyat siya sa second floor at binuksan ang kwarto ng kuya niya. Naka-tatlong hakbang siya papasok sa loob ng may dalawang kamay na galing sa likod ang pumiring sa mga mata niya.
‘Sinong. . .? Kuya?’ Inalis niya ang kamay at humarap sa kuya niya.
‘Kuya!’ Niyakap niya ito ng mahigpit. ‘Kailan ka dumating?’
‘Kahapon lang.’
‘Magkasunod lang tayo.’
‘Oo nga, pupunta sana ako sa London pero wala doon ang paborito kong kapatid kaya dumeretso na ako dito.’
‘Oh? Pustahan tayo, may kailangan ka na naman sa akin, ano? Kaya mo ako pinauwi ngayon.’
‘Bakit, mahirap bang paniwalaan na miss kita?’
‘Well, pwede rin. Ang totoo niyan, miss na miss kita kuya. Pero galit ako sayo. Mula nang umalis ka, hindi ka man lang tumawag, o sumulat. Kumusta ka na?’
‘Ok naman ako little sis. Pero malungkot.’
‘Uy, para sa akin ba ang mga ‘yan?’ Nakita ni Cindy ang mga boxes sa ibabaw ng lamesa.
‘Hindi lahat.’
‘Alin dito ang akin?’ As usual, parang bata na excited si Cindy sa mga pasalubong.
‘Isa lang ang para sa ‘yo pero ‘pag matulungan mo ako sa aking problema, dagdagan ko ng tatlo.’
‘Ok, game! Madali lang naman ang problema mo eh?’
‘Sa’yo siguro ay madali pero sa akin, mabigat na problema.
‘Tapatin mo nga ako, mahal mo pa rin ba ang kaibigan ko?’
‘Mahal na mahal.’
‘Ibigay mo na ang akin.’
Kinuha ni Troy ang lahat ng nakalagay sa kaliwang parte ng lamesa at ibinigay kay Cindy.
‘Sigurado ka ba kuya na sa akin lahat ito?’
‘Ayaw mo?’
‘Siempre gusto.’
‘Naibigay ko na ang para kina manang at manong. Ung para sa iba ay nasa luggage ko pa.’
‘E, kanino ang mga ito?’
‘D’yan mo ako tutulungan, kung paano ko ibigay sa taong may-ari ng mga yan.’
‘Hmm. . . alam ko na kung kanino.’
‘Cyn, tena sa terrace. Magkuwentuhan tayo.’
‘Hindi ba pwedeng mamaya? Buksan ko muna ang mga ‘to.’
‘Doon mo na buksan.’
‘Naku, ang umi-ibig nga naman.’ Kinuha ni Cindy ang mga pasalubong niya at sumunod sa terrace.
Katulad kagabi, umupo ulit si Troy sa inupuan niya.
Hindi na makaantay si Troy na malaman ang mga nangyayari sa buhay ng mahal niya.
‘Kawawa ang kaibigan ko. Patong-patong ang dumating na delubyo sa buhay niya.’ Ikinuwento na ni Cindy ang mga pinagdaanan ni Adriana.
Yumuko si Troy, hirap huminga. Kuyom ang kanyang mga palad.
‘Kawawang Adriana.’
Napansin ni Cindy kaya pumasok at kumuha ng tubig.
‘Tubig kuya, o.’ Ininom ni Troy ang tubig, tumayo at nagpalakad-lakad sa terasa.
‘Ano sa tingin mo, Cyn, may pag-asa pa kaya na magkalapit kami ulit?’
‘Kung yan talaga ang nasa puso mo, palagay ko, may pag-asa pa.’
‘Salamat sis, binigyan mo ako ng lakas ng loob para gagawa ng paraan nang mabawi ko s’ya.’
Adriana was busy sorting out her Mom’s things when her phone rang ang she heard Cindy’s voice.
‘Hi fren, ano gawa mo?’ Nasa terrace pa rin sina Cindy at Troy. Inilagay ni Cindy ang sound sa loudspeaker kaya naririning nilang dalawa ang boses ni Adriana.
‘Inaayos ko ang mga gamit ni Mommy. Musta fren? Ok ba lahat sa inyo d’yan?’
‘Yeap, the problem was an exciting problem.’
‘Ow? Sana, ganyan lahat ang dumarating na problema ko.’
‘I learned from you to always look at the positive side of every problem. So, I’m giving you back that advice.’
‘Me and my big mouth.’ Nakatawang sabi ni Adriana.
‘Anyway, pwede ka bang makapunta dito? May nangangailangan ng tulong mo.’
‘’Kala ko ba, walang problema.’
‘Konti lang pero hindi ko pa rin kaya.’
‘Ok.’
‘See yah.’
‘Yah-hoo! Maasahan ka talaga sis. Salamat ulit.’
After half an hour, dumating si Adriana.
‘Sige na, pasok ka na sa kwarto mo kuya. Kunin mo ang mga gamit mo dito.’
Mabilis namang dinampot ni Troy ang kanyang mga gamit at pumasok sa kwarto niya. Narinig niya ang boses ni Adriana sa baba at tulad kahapon. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman.
‘Hey, what’s happening? May problema ba talaga dito o gusto mo lang ang kausap.’
‘Both.’
‘So, tell me. Anong problema?’
‘Tena sa taas.’
‘Wow, parang may gift shop dito. For sale ba mga ito?’ Hindi napigilan ni Adriana ang magtanong nang makita ang mga items.
‘Selected items ang mga ito ah. Parang collector’s items.’
‘Oo fren, yan ang sinabi kong exciting na problema. Ngayon lang naibigay sa akin.’
‘Bakit naman naging problema?’
‘Kasi gusto kong ibenta pero hindi ko alam kung magkano ang prices ng mga ‘to.’
Inisa-isa ni Adriana na tiningnan.
‘At bakit mo naman ibenta? Hindi ka naman naghihirap ah!’
‘Kasi ayoko nang makita ang mga yan.’
Naintindihan ni Adriana ang ibig sabihin ni Cindy.
‘Ok, paano mo gustong ibenta? By bulk o paisa-isa. Kung isang bentahan, maibenta natin ng lower price, kapag naman paisa-isa, mas mahal, yon nga lang at medyo matagal bago madispose lahat.’
‘Pwede bang gawan mo ng inventory at kung magkano ang diperensya kung bultuhan o pa-isa-isa ang pagbenta. Idagdag mo na rin ang kita ng mall ninyo dahil doon natin idisplay.’
‘Akala ko self-day ngayon, working day pa rin pala. Kung hindi lang ikaw fren. . .. Bigyan mo ako ng lapis at papel.’
‘Doon ka na lang kaya sa kwarto ko para maka-concentrate ka dahil, may iba pa doon. ‘Wag mo lang paghaluin. Alis muna ako sandali at ideliver ko ‘tong regalo ni Mommy sa kaibigan niya d’yan sa kabilang kanto.’
‘Ok, ‘wag kang magtagal.’
Pumasok si Adriana sa kwarto ni Cindy at inilapag ang mga items sa kama. Sa isang sulok ng kama ay may iba pang items, mas marami. At katulad ng nauna niyang nakita ay magaganda rin. May magkakapareha. Kumuha siya ng papel at lapis at sinimulang mag-inventory. She was so engrossed in studying the items that she did not hear Troy who came in the room.
‘Adriana.’
Napahinto siya sa pagsusulat ng marinig ang pangalan niya. OMG, andito si Troy? Niloko ba ko ni Cindy?
Dahan-dahan niyang ibinaba ang lapis at papel at lumingon sa pinangalingan ng boses. Napatayo siya ng makita si Troy. Huminto ang kanyang paghinga. This couldn’t be. Sigaw ng kanyang isip. Nananaginip lang ako. Pero nagsalita ulit si Troy at naglakad papunta sa kanya. So hindi ito panaginip.
‘I’m so sorry Adriana.’ Nangangatal ang boses ni Troy na humihingi ng tawad.
Biglang bumalik lahat ang kirot sa dibdib ni Adriana, hinayaan niyang lumapit si Troy, at sa isang iglap, malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Troy. Tumakbo siya sa pinto pero mas mabilis si Troy. Niyakap niya si Adriana at gamit ang kanang paa ay isinara niya ang pinto. Nagpupumiglas si Adriana para makawala sa yakap ni Troy pero sadyang malakas si Troy.
‘Let . .me . .go!’ Nanginginig ang boses ni Adriana sa galit. Tinadyakan niya ang paa ni Troy pero hindi pa rin nilubayan ni Troy ang pagkayakap niya sa kanya.
‘I’m so sorry Adriana. It had to be this way. If you promise to listen to what I will tell you, I will let you sit.’
‘And what makes you think that I will believe whatever you will tell me?’
‘I know, what I did was unforgivable. But. .’
‘Just let me go, ok! I already have my life and you have yours. Let’s keep it that way.’
‘No Adriana, you are my life, and if I don’t have you, then I don’t have a life.’
‘That’s plain rubbish! Please… let me go.’ Adriana softened her voice hoping that Troy will release her.
‘Nakikiusap ako Adriana, kung hindi mo ako kayang mapatawad, please, bigyan mo lang ako ng pagkakataon na masabi ang gusto kong sabihin. Yan lang ang hinihiling ko para mapatawad ko na rin ang sarili ko nang matahimik ang aking kalooban.’
Ramdam ni Adriana ang sinseridad ni Troy pero ayaw pa rin niyang maniwala dito. Ganon pa man, ayaw niyang magtagal pa ang pagkayakap ni Troy at baka siya na rin ang bibigay.
‘Ok! Now, get your hands off me!’
Dahan-dahang inalis ni Troy ang kanyang kamay. Pero nakabantay pa rin sa pintuan at baka biglang aalis si Adriana.
‘Pwedeng doon tayo sa terrace mag-usap? Para makaupo ng maayos?’ Pag-aanyaya ni Adriana. Masyadong intimate ang environment sa bedroom ni cindy.
‘Ok, anywhere you like. No problem.’ Binuksan ni Troy ang pintuan at lumabas sa kwarto pero pina-una niya si Adriana na pumunta sa terrace.
Hindi na sumagot si Adriana, kusang lumabas sa terrace at umupo. Napansin ni Troy na doon din ang paborito niyang pwesto. Pinili ni Troy na hindi umupo sa harap niya kundi sa tabi niya. May dalawampung pulgada ang layo nila sa isa’t isa.
Tahimik si Adriana kaya sinimulan na ni Troy ang pagkuwento.
‘Nang sagutin mo ako at naging tayo, masaya, masigla at kompleto ang buhay ko. Nangarap ako at lahat ng pangarap ko ay kasama ka. At hanggang ngayon, hindi pa rin nagbago yon. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Anuman ang naging kasalanan ko ay pinagsisisihan ko.’
Huminto si Troy sa pagsasalita at tiningnan si Adriana pero nakatingin ito sa malayo at hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito.
‘Sa maniwala ka at sa hindi, bawat araw na nagdaan na hindi kita nakakausap ay parusa sa aking puso. Nang balewalain mo lahat ang aking tangkang paki-pag-usap sa iyo, alam ko na inalis mo ako sa buhay mo. Kaya sinubukan ko na rin na kalimutan ka sa pagkaroon ng karelasyon pero hindi nakatulong.’
Lingid kay Troy ay tuwang-tuwa si Adriana sa mga naririnig niya. Ang totoo kasi, gustuhin man niyang limutin si Troy, ayaw pakawalan ng puso niya. Ito pa rin ang mahal niya.
‘Hindi kita pipilitin na paniwalaan ang mga sinabi ko. Pero sana maniwala ka na hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nag-iisang babaeng mahal ko. Nasabi sa akin ni Cindy ang nangyari kina Tito at Tita, and I am so saddened for your lost. I really feel rotten. I should have been here to share your grief, but I wasn’t. I should have been here to share your problems, but I wasn’t.’
‘Salamat pero ok na ako, naka-recover sa pagkawala nina Daddy at Mommy. At anuman ang problema ko ngayon ay malalampasan ko rin. May awa ang Dios. I think it’s time for me to go.’
‘Salamat pa rin at binigyan mo ako ng pagkakataon na ilabas ang nasa puso ko.’
Tumayo na si Adriana at bumaba. Tamang-tama naman ang pagdating ni Cindy.
‘Uwi na ako fren.’
‘Ok fren, see you tomorrow.’
Umakyat si Cindy at kinausap ang kuya niya.
‘Musta kuya? Nag-usap ba kayo?’
‘Nakinig lang siya. Hindi ko alam kung ano ang nasa kalooban niya.’
‘Don’t worry too much kuya. Everything will be alright.’
‘I hope so. Ano ang sinasabi niyang problema niya ngayon?’
‘May utang sila sa banko at sinisingil na sila. She has ten days to pay or else. Binili ni Tito Bernard ang real estate business ni Tito Rosendo, ang ninong ni Brian, and a bank loan came with it. I went to OUR bank last Friday and asked about it. I talked to the Manager, but he can not do anything about it because accordingly, it was the decision of the Board.’
‘That’s good of you Cyn. Punta tayo sa banko bukas. Alam ba ni Adriana na pag-aari natin ang banko?’
‘Palagay ko hindi, I never talked about our business. And she never asked what bank we own.’
Pagdating ni Adriana sa bahay nila, deretso siyang pumasok sa kwarto niya. Naglalaro pa rin sa isip niya ang lahat ng sinabi ni Troy. At naniniwala siya sa sinabi niya na naghirap din ang kalooban niya. Hindi niya binigyan si Troy ng anumang sagot pero buo na ang loob niya. Sa oras na matapos niya ang problema sa banko, siya mismo ang lalapit kay Troy. Pumunta siya sa kuwarto ng Mommy niya at itinuloy ang pag-ayos sa mga gamit. It’s time to let her parents rest in peace.
Chapter 9
As usual, maagang pumasok si Adriana sa opisina. Puno ang lamesa niya ng papeles. Mabilis niyang tiningnan at pinirmahan ang dapat na pirmahan. Siya na mismo ang nagdala kay Mabel. Pagkatapos, pumunta siya sa Auto Shop para sa sale ng sasakyan ng Mommy niya at pagbili ng Hi-lux ni Brian. Kailangan kasi ang pirma niya bilang administrator ng estates ng mga magulang niya.
Pagbalik niya sa opisina, may fax sa table niya. Nakita niya agad ang letterhead ng banko. Oh my God, save my day. Umupo muna siya at sumandal. Kinakabahan siya kaya ayaw niyang basahin pero hindi solusyon ang hindi pagbasa. Dahan-dahan niyang dinampot at sinimulang basahin. Sa simula pa lang ay lumundag na sa tuwa ang puso niya. Salamat Lord. Naki-alam ka na naman sa problema ko.
‘Mabel.’
‘Adriana?’
‘Gawa ka ng memo to all departments, inform them to end the sale period today.’
‘Ok Adriana.’
Tumawag siya kay Cindy. Tinawagan din niya si Brian at pinaalam.
‘Fren, hindi ko alam kung sinong naki-alam pero may fax ang banko na nirerespeto ang terms ng loan.’
‘Wow fren, I’m happy for you. So tuloy ang bakasyon natin sa Baguio this weekend?’
‘Sure, see you tonight.’
Nadatnan niya si Cindy sa bahay na nakikipagkuwentuhan kina Tita Cely. Pagkatapos nilang kumain. Inaya niya si Cindy sa veranda.
‘Musta ang kuya mo?’
‘He’s rooting for for you. Pero ayoko nang maki-alam sa inyong dalawa. I already did my part.’
‘I know. Ngayon at natapos ang problema ko sa banko. Isunod ko na ring ayusin ang relasyon namin. Ramdam ko ang sinseridad niya kahapon. Hindi lang ako umimik dahil gusto kong magmuni-muni muna kaming dalawa. So, bukas pwede bang dalhin mo ang kuya mo dito?’
Tiningnan ni Cindy ang kaibigan, nang makita niyang seryoso ito. Tumayo siya at niyakap ang kaibigan.
‘Yah…hooo! Oh my God! Thank you, Lord. Thank you fren. That’s the most amazing news I heard eversince I arrived.’
‘Corny mo naman, but yes, it’s realy amazing, now there are two less lonely people in the world tonight.’
‘Text ko si kuya.’ Dali-dali ngang tinex ni Cindy si Troy. Beep naman kaagad ang cellphone ni Cindy sa sagot ni Troy.
Maayos ang araw ni Adriana sa opisina kinabukasan. Maayos ang takbo ng mall at ang auto shop, salamat sa pamamahala ni Tito RG sa auto shop. Sa lahat ng empleyado nang Diamond J, tanging si Roberto Gonzales ang may tiwala si Adriana. Bukod sa ninong niya, sa kanya rin lagi humihingi ng payo. Sana, matagal pang mag-retire si Tito. Dalangin ni Adriana habang papunta sa real estate office. Ito na ngayon ang tinututukan niya. Gusto niyang lumago ito at mabayaran ang utang. Pagdating niya doon ay wala pa ang assistant manager. Alam na niya ang problema. Kaya pagdating na pagdating ni Mr. Ramirez ay pinatawag niya kaagad sa office niya.
‘Magandang umaga po Tito. Kumusta kayo?’
‘Ok naman ako hija.’
‘Napansin ko po, lagi kayong late at kung minsan ay hindi kayo pupamapasok. May problema ba tayo? Siguro sa karamdaman o sa pamilya?’
‘Wala akong sakit Adriana, ok din ang pamilya ko.’
‘Mabuti naman po, nag-aalala po kasi ako kasi marami tayong trabaho dito e baka hindi na ninyo makayanan. Pero kung ok naman lahat, pwede bang pagtulungan natin ang trabaho dito? Yon lang po Tito. Salamat.’
Lumabas sa opisina ni Adriana si Mr. Ramirez na galit.
‘That bitch.’ Pag-pasok niya sa opisina niya, sinabihan niya ang secretary na gagawa ng resignation letter effective immediately. At sinimulan na niyang inempake ang mga gamit niya. Nang matapos niya, tinawagan niya ang security guard at inutusan na dalhin sa sasakyan niya. Pinirmahan niya ang resignation letter at kinuha ang portpolio niya. Dumaan sa opisina ni Adriana at ibinato sa lamesa nito ang resignation niya.
‘That’s effective today Adriana. Ayokong manatili dito at makita ang pagbagsak ng negosyo mo.’
‘Mag-ingat po kayo, tito.’ Sa loob ni Adriana ay nagpapasalamat. Tinawagan niya ang secretary at sinabihang igawan ng acceptance.’
‘And please call for a staff meeting tomorrow at eight.’
‘Ok Adriana.’
Kinabukasan, nandon ang buong staff.
‘Good morning everybody. I’m sure you already know that Mr. Ramirez has resigned effective yesterday. Kung may gusto ring umalis, naiintindihan ko kaya huwag kayong mahiyang magsabi. So, does anybody here like to leave as well?’
Iginala ni Adriana ang kaniyang paningin sa kanila. Nang walang nagsalita, siya ang nagpatuloy.
‘I would like to inform everybody that the bank has averted the decision to collect the loan. I received their fax that they will abide with the terms of the loan. Now, with the resignation of Mr. Ramirez, HR will evaluate your performance records and one of you will be taking his place. As soon as we fill up that position, we will have a three-day Team Building Seminar and workshop.’
Adriana encouraged them to perform well with a 10 percent increase in salary if they hit the targeted sales and collection. The staff assured her that they will give their best.
‘One more thing, I decided to lease this unit. The rent will take care of the monthly amortization. We need additional capital for the ongoing construction and development of our subdivisions. We will have a bit of renovation at the main office to accommodate you all, it might be finished in two weeks time, so be ready.’ The staff can not hide their admiration on how Adriana is managing the business.
Masaya si Adriana, unti-unti nareresolba ang kanyang mga problema. Kapag mabayaran ang utang ng Real estate business, magtalaga siya ng Manager para mabawasan ang work load niya. Sa ngayon kasi, ung sahod ng manager ay dagdag pambayad pa sa utang. Kaya hinati-hati niya ang kanyang linggo. Isang araw siya sa Auto shop, isang araw sa mall at tatlong araw sa real estate. Pero araw-araw ay papasok muna siya sa main office, at kapag kinakailangan ay babalik siya sa hapon. Maaga siyang umalis. Pumunta siya sa Quiapo Church at nag-alay bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap niya. At hiningi sa Panginoon na nawa’y maayos din ang relasyon nila ni Troy. At ngayon, binili na niya ang imahe ni Mama Mary. At hindi lang isa ang binili niya. Dalawa ang binili niya. Idinaan niya sa isang furniture shop at pina-frame. Bukas ay dadalhin niya ang isa para sa main office niya at ang isa ay para sa bahay nila.
Wala si Cindy ng dumating siya sa bahay. Nagshower na siya at naghapunan sila. Nanonood siya ng news nang dumating sina Cindy at pinapasok ni Tita Cely. Kabado siya kasi hindi niya alam kung paano ihandle ang sitwasyon. Siya ang nagpatawag kaya siya dapat ang manguna. Gosh, mas madali talaga ang business sa pera kaysa sa business ng puso.
Tumayo siya at sinalubong sila sa pintuan. Pilit niyang pina-kakalma ang kumakalabog niyang puso.
‘Hi.’
‘Hello fren.’
‘Hello Adriana.’ Kabado rin si Troy. Tuwang-tuwa ci Cindy kahapon na nagsabi sa kanya na pinatawag siya ni Adriana pero hindi niya alam kung magka-ayos ba sila o tuluyang tatapusin ni Adriana ang ugnayan nila.
‘Upo ka Troy. Fren, hanapin mo si Brian.’
Dali-dali namang umalis si Cindy. Naintindihan niya na gusto ni Adrianang sila lang ni Troy ang mag-usap.
‘Salamat at dumating ka. Pero ang totoo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.’
‘Anything positive is ok with me.’
‘Can we start all over again?’
Tiningnan ni Troy si Adriana at nang makita niya na seryoso ito. Tumayo siya at hinawakan ang kamay. Pero hindi niya napigilan ang sarili. Hinapit niya si Adriana at niyakap ng mahigpit. Umiyak siya sa kaligayahan.
‘My God Adriana, that made my blood run normal again. Thank you Loveydoll.’ Humiwalay siya at bumalik sa upuan saka niya tinawag si Cindy. Mabilis namang dumating ang isa.
‘Bakit kuya?’ Tiningnan niya ang dalawa na nag-aalala. Uuwi na ba sila? ‘Wag sana Lord please!
‘Pwede bang paki-introduce ang kaibigan mo?’
Pagkarinig ni Cindy yon ay lumundag ang puso niya sa tuwa.
‘Sure! Kuya, si Adriana, ang best fren ko. Fren, ang kuya kong guapo, si Troy.’
Nagkamayan naman ang dalawa pero hindi na makapigil si Cindy. Niyakap niya si Adriana at nagpasalamat saka siya tumakbo sa taas upang ibalita kay Brian.
To ease the discomfort, ibang topic ang sinimulan ni Troy. Maraming oras para pag-usapan ang relasyon nila. Let them start as friends first.
‘How’s business?’
‘A bit complicated but I’m doing fine. Salamat sa mga tao na nagpatuloy kahit wala na ang mga magulang ko. Sigurado ako, nabangit ni Cindy ang panggigipit ng banko sa amin. Pero ok na, but I’m sure, the bank can not just change its decision without somebody’s interference or influence. Whoever that person is, I am grateful. Pina-pa-lease ko ang real estate office sa Makati to cover the monthly amortization. That will ease our financial problem on that department.’
‘I’m glad about the bank’s decision. And leasing that unit is a great move.’
‘Musta naman ang trabaho mo. Saan ang susunod nyong cruise?’
‘Ok lang, on general check-up ang barko for three months kaya bakasyon lahat ang crew maliban sa repair and maintenance team. Next is the Alaska Cruise. But now that we are on good terms again, I will let go of that. I have to. . .’
Naputol ang sasabihin ni Troy nang magkasunod na tumakbo pababa sina Brian at Cindy.
‘Ate, sabi ni Cindy. . . oh!’
Huminto kaagad si Brian nang makita niya si Troy.
‘Hello kuya Troy.’
Tumayo si Troy at niyakap si Brian.
‘Musta ka na Brian, kailan ang board exam?’
‘Next month na po kuya.’ Tumalikod ito at aakyat sana sa taas pero inaya ni Adriana na maglaro sila ng scrabble. Papunta na sa relasyon nila ni Troy ang usapan nila kaya minabuti niyang manatili muna sila sa neutral na usapin. Masaya ang laro nila. Hinainan din ni Tita Cely ng meryenda at nakipagkuwentuhan sila ni Tita Wena. Masaya sila at nagkabalikan ang dalawa. Masaya silang naglaro. Nag-team up sina Troy at Brian against Adriana and Cindy. Natapos ang pagkikita nila at nawala ang anumang hindi magandang nangyari sa pagitan nina Adriana at Troy. Nagpa-iwan si Cindy kaya mag-isang umuwi si Troy na masayang-masaya.
Chapter 10
Kinabukasan sa hapon, matapos ang meeting ni Troy sa banko, umuwi siya at naligo. Pagkatapos ay dala niya ang family car nila at pumunta kina Adriana. Sinabihan niya sina Cindy at Brian, kasama sina Tita Cely at Tita Wena na maghanda at pagdating ni Adriana ay kakain sila sa labas. Habang inaantay nila si Adriana, binalikan ni Troy ang meeting niya sa banko. Si Cindy ang pinapunta niya ulit kahapon upang makiusap tungkol sa loan ng Diamond J. Kilala kasi siya dahil siya na ang nag-aatend ng Executive meeting. Nang itawag ni Cindy na hindi pumayag ang manager, tinawagan niya ang Chairperson at pumayag naman ito pero hindi pa rin pumayag ang manager. Kaya sinabihan ni Troy si Cindy na i-colateral niya ang kanyang shares. Doon lang pumayag ang manager. Natutuwa naman si Troy sa manager. Ibig sabihin nito, maayos ang pamamalakad niya sa banko.
At sa meeting kanina, panay ang sorry ng manager. Hindi niya alam na si Cindy ay anak din pala ng may-ari ng banko. Kaya inalis na ang shares ni Cindy as collateral. At ngayon, gusto na niyang mag-home base at pamunuan ang business nila. Ayaw na niyang mawalay ulit kay Adriana. At sana, mapapayag niya itong magpakasal na sila. Mag-aalas siete na nang dumating si Adriana. Nakita niya ang sasakyan ni Troy at masaya siya dahil bumalik ulit ang tuwa sa puso niya kapag naiisip niya si Troy. Pagpasok niya ay sinalubong ni Troy ng matamis na halik.
‘Wow, whatta joy to come home. Anong okasyon at bihis kayong lahat?’ Nakangiti niyang tanong nang mapansin niya ang ayos nila.
‘Ilalabas tayo ni kuya Troy at. . . ‘
‘Kakain.’ Nag-chorus sina Cindy, tita Cely at Tita Wena.
‘Ok, give me five minutes.’
‘Take your time Loveydoll.’
Nagtinginan ang apat at ngumiti sa pagtawag ni Troy kay Adriana ng Loveydoll. Kinindatan lang ni Adriana si Troy at dali-dali siyang umakyat para maligo at magbihis.
‘Ang sweet naman.’ Kinikilig si Tita Wena sa dalawa. ‘Kayo Cindy at Brian, kumusta ang lovelife ninyo?’
‘Sa ngayon, wala munang lovelife. Mag-enjoy muna sa pagiging PA, chaperone, etecetera.’
‘Ano naman ang PA?’ Tanong ni Troy dahil alam niyang may ibang kahulugan.
‘Pobreng Alalay daw sabi ni Cindy.’ Sagot ni Tita Cely.
‘Palaging Abonado daw.’ Sabi naman ni Tita Wena. Sabay sumagot ang dalawa kaya nagtawanan sila.
Pagbaba ni Adriana ay lumabas silang lahat at tinungo ang sasakyan ni Troy. Pumasok ang apat sa likod at isinara ang pinto kaya sapilitang pumunta si Adriana sa harap. Pinagbuksan naman siya ni Troy at hinintay na pumasok at umupo bago isinara nito ang pinto. Wala na ang alinlangan sa kanila kaya masaya silang lahat na nag-bibiruan at nag-pipikunan habang papunta sa Spiral, an international restaurant that serves Italian and French dishes, near CCP.
Nagpalipad si Adriana ng dasal sa Panginoon dahil nawala man ang kanilang mga magulang ni Brian, mayroon pa rin silang pamilya. Nagpasiklaban sina Troy, Adriana at Cindy ng mga funny stories na naranasan at narinig nila sa mga napuntahan nila. Sa barko si Troy, sa Wharton U si Adriana at sa England si Cindy. Hindi rin nagpahuli sina Tita Cely at Tita Wena, lalong lalo na si Brian. Umuwi silang busog sa masarap na pagkain at kasiyahan. Pagdating nila sa bahay, nagsipasok ang apat sa mga kuwarto nila. Naiwan si Adriana upang mamaalam kay Troy. Pero hindi agad umalis si Troy kaya nagtimpla si Adriana ng kape at pumunta sila sa terrace. Don sila nagkuwentuhan at maya-maya ay namalayan na lang nila na mahigpit na nagyakapan at naghalikan. Lahat ng pangungulila nila sa isat-isa sa mga nagdaang taon ay kumawala sa mahahaba at malalalim na mga halik. Ipinasok ni Troy ang kamay niya sa blusa ni Adriana. Napa-ungol si Adriana. Hindi niya mai-paliwanag ang sensasyon na bumalot sa buong katawan niya. Hinalikan na lang niya si Troy at naglaro ang kanilang mga dila na lalong nagpalipad sa kanila sa walang hanggang saya.
Narinig ni Adriana ang mga yabag sa kusina kaya bigla siyang natauhan. Inalis niya ang kamay ni Troy at ibinaba ang damit niya. Naka-upo sila ng maayos nang dumungaw si Tita Cely para tanungin kung may kailangan sila.
‘Wala po Tita, salamat.’
Nagtinginan sila na parang nahuling nagnakaw ng malaking pera.
‘Loveydoll, that was wonderful.’
Tumango na lang si Adriana dahil nararamdaman niya ang pagmula ng mukha niya sa ginawa nila.
‘I think it’s time for you to go, or we will do something uncontrollable.’ Seryoso niyang sabi.
‘Tomorrow, we will go somewhere just the two of us.’
‘Ok, goodnight then. Take care.’
Nagyakapan sila bago inihatid ni Adriana sa labas. Nang umalis si Troy, bumalik siya sa terrace at itinapon ang hindi nila ininom na kape. Hanggang sa pagtulog ay dala-dala niya ang init ng yakap at halik ni Troy. Ngayon, bumalik ulit ang sigla ng buhay niya. Gabi-gabi ay nasa bahay nila Adriana si Troy. Kung minsan ay lumalabas silang kumain o mag-joy-ride around the city. Sa gabi ng Biernes, iminungkahi ni Troy na mag-trekking sila sa Mt. Daraitan sa Riza kinabukasan. Umayon naman siya at inimbitahan din niya sina Brian at Cindy.
Alas tres ng madaling araw kinabukasan ay gumayak na sila papuntang Rizal. Inihanda na ni tita Cely ang baon nila. Masaya silang nagbibiruan at nagkantahan sa daan habang palabas ng Maynila. Hindi nila namalayan, nakarating na sila. Mabilis magpatakbo si Troy pero maingat kaya kulang ng dalawang oras ang biyahe nila. Iniwan nila ang sasakyan sa Barangay Hall at hinanap ang kanilang tour guide. Pagkatapos ng orientation ay nagsimula na silang naglakad paakyat. Matirik ang trail kaya ilang beses silang nagpahinga. Marami ring ibang hikers ang nakasabay nila kaya na-enganyo silang maglakad. Pagkatapos ng mahigit apat na oras na paglalakad, dumating din sila sa summit ng Mt. Daraitan.
Namangha sila sa breathtaking view ng Daraitan River sa paanan ng Siera Madre mountains. The summit is covered with gigantic limestone formations. Mataas talaga ang summit at para nilang nakikita ang buong probinsya ng Rizal. At ang ilang oras ng paglalakad ay worth it. Ang ganda ng panoramic view of neighboring mountains and the river. Nagpalitan silang kumuha ng mga ‘I’m on top of the world’ pictures with different poses. Nag papicture din sila as group sa ibang hikers.
Bago sila bumaba, dinala ni Troy si Adriana sa pinakatuktok ng isang rock formation, niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Dinukot niya ang isang kahon sa bulsa niya at lumuhod sa harap ni Adriana.
‘Adriana, my Lovedoll, the love and joy of my life, will you marry me?’
Tinakpan ni Adriana ang bibig sa pagkabigla. Hindi talaga niya inaasahan ito. Ibinaba niya ang paningin sa mukha ni Troy na naghihintay at nakita niyang seryoso ito. Nakalarawan sa mga mata ni Troy ang isang tunay na pagmamahal. And she was drowned in that sea of love and happiness. They were transcended in another world. A world where there were just the two of them.
“My love?” Natauhan siya sa boses ni Troy na naghihintay pa rin sa sagot niya.
‘Of course, Loveydove. Yes, I will.’
Tumayo si Troy at niyakap ng mahigpit si Adriana at hinalikan sa bibig. Biglang may nagpalakpakan at umalingawngaw ang boses ni Shania Twain sa awiting ‘From this Moment On’ na pinatugtog ni Cindy sa kanyang cellphone.
“Salamat Adriana, my Loveydoll. Nakaranas tayo ng mga problema sa ating relasyon at hindi malayo na magkakaroon pa tayo ng maraming problema, pero gusto kong lagi mong tatandaan, mahal kita at ikaw lang ang aking mamahalin hanggang kamatayan.”
Tuluyan nang nalaglag ang mga luha ni Adriana. Hindi niya mailarawan ang saya sa puso niya.
“Mahal na mahal din kita Loveydove, only you.”
Bumaba na sila sa nag-aantay na yakap nila Cindy at Brian.
Epilogue
Pagkatapos ng anim na buwan ay idinaos ang kasal nina Troy at Adriana sa Manila Cathedral. Si Alex ang best man at si Cindy ang Maid of Honor. Hinanap ni Troy si Alex at pina-uwi para sa kasal niya. Nag-leave naman ng dalawang buwan si Alex sa trabaho niya. At sa paghahanda nila sa kasal nila Troy ay nagkalapit sila ni Cindy. Abangan ang kuwento ng pag-iibigan nila Alex at Cindy.
(CTTO of the featured Photo)

